Part 4

335 5 0
                                    

"Nasaan na ba si Marie? Palagi na lang siyang late sa pagkain." wika ni Michelle sa kanila nang lahat sila ay nakaupo na sa dinning area nang gabing iyun at tanging si Marie na lang ang hinihintay.

Napangiti si John sa kasintahan at malambing niya itong inakbayan.

"Alam ko nagpaalam siya kanina na may susunduin lang siya. Si Lloyd ba yun? Yung sumagip kay Santi kanina? She said she's inviting him to join us tonight. "

Napaisip si Michelle. Waring inaalala ang tungkol doon. Si Samantha naman ay awtomatikong natigilan pagkarinig sa pangalan ni Lloyd. Lalo na sa kaalamang inimbitahan pala ni Marie ang lalaki sa kanilang dinner ng hindi man lang siya nasasabihan. Napabaling lang ang kanyang atensyon kay Santino na tuwang-tuwang napasigaw nang marinig ang pangalan ni Lloyd.

"Yehey! Superman will be joining us!" Itinaas pa nito ang dalawang kamay na parang lumilipad.

"Baby, put your hands down. Nasa harap tayo ng table. "

"Sorry Mommy. " agad naman ibinaba ni Santino ang mga kamay pero nasa mukha pa rin nito ang excitement sa pagdating ni Lloyd.

"Hi everyone! Sorry we're late. " maya-maya ay narinig na nila ang boses ni Marie habang papasok sa pintuan.

Napalingon sila dito, maliban kay Samantha.

"Superman!"

"Hi li'l man!"

Agad bumaba sa kanyang upuan si Santino at patakbong sinalubong si Lloyd. Hindi pa rin nililingon ni Samantha ang mga ito kahit pa nga naririnig niya ang hagikhik ng anak at ang pagtawa nina Marie at Lloyd. Magkasabay na tumayo sina Michelle at John upang salubungin ang dalawa.

"Hi bro, we're glad pinagbigyan mo ang invitation namin tonight as a simple way of showing our appreciation sa ginawa mo kanina kay Santi. " wika ni John dito. Nakipag-shakehands ito sa lalaki.

"Wala iyun. Nakakahiya nga eh. Buong araw niyo na akong pinapasalamatan. Pero salamat din sa pag-imbita. "

"Kahit habambuhay ka naming pasalamatan ay hindi namin pagsasawaan. Dahil isang buhay ang sinagip mo. At ang buhay na iyun ay siyang bahagi din ng buhay namin. Lalo na ni Sam. " tinapunan ng tingin ni Michelle si Samantha na noon ay nanatiling nakaupo at nakatalikod sa kanila. Pakiwari ni Samantha ay sa kanya nakatuon ang paningin ng mga ito, lalo na si Lloyd. Kung kaya ay minabuti niyang tumayo at humarap na rin dito.

"H-Hi. " paikli niyang pagbati kay Lloyd nang magkatinginan sila. Pakiramdam niya ay parang ngayon lang sila unang nagkita.Tulad ng unang araw nang aksidente nitong tamaan ng flying saucer ang libro niyang binabasa. Pero kung noon ay hindi halos siya makatingin sa mukha ni Lloyd, ngayon ay tila may kung anong magnet ang meron ito at hindi maalis alis ni Samantha ang tingin sa lalaki.

Nakasuot ng grey sweat shirt na black and white stripes si Lloyd na tinernuhan nito ng worn out skinny jeans. Very casual ang porma nito. Kumbaga, komportable ito sa kahit na anong isuot dahil kaya nitong dalhin ang damit at alam nitong kahit ano ay babagay. And yes, bumagay iyun kay Lloyd. And she found him attractive especially that night. Bumagay din dito ang medyo basa pa nitong buhok na halatang kagagaling lang sa pagligo at naamoy pa niya ang gamit nitong shampoo. He looked so fresh and masculine.

"Hi. " nginitian siya ni Lloyd habang karga nito si Santino.

"Uhm...Mabuti naman nakarating ka. " sinabayan iyun ni Samantha ng tipid na ngiti.

"It's my pleasure to be here. " anito na nakatitig pa rin sa kanya. "Thank you for inviting me. "

Marahang tango lang ang itinugon ni Samantha.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon