June 6, 2011
"I don't wanna go to school! I don't wanna go to school!"
Nagpapadyak pa sa sahig na wika ni Santino habang umiiyak na nakaupo sa sofa sa kanilang sala.
Unang araw ng pasok nito sa nursery school at suot na nito ang kulay puting polo at red checkered shorts na siya nilang uniform.
Lumabas mula sa kusina si Samantha dala ang box ng brownies na idadaan niya mamaya sa kanyang customer pagkahatid niya mamaya kay Santino at ang lunch kit nito na kinalalagyan ng paborito nitong chocolate drink at ang ginawa niyang cookies. Two hours lang naman ang pasok nila Santino kung kaya ay snacks lang ang ibinaon niya para dito.
"Baby, di ba we've already talked about this? Kailangan mong pumasok sa school. Kailangan mong mag-aral."
"No. Ayoko mag-school. I wanna play at home. " nagmamaktol pa rin nitong wika.
Inis na huminga ng malalim si Samantha. Pilit na hinahabaan ang kanyang pasensya. Ilang araw na silang ganoon ni Santino mula noong i-enroll niya ito.
"Santi come on. Mali-late ka na. Marami pang gagawin si Mommy. Ihahatid ko pa yung mga orders ng customers. Let's go. "
Isinukbit ni Samantha sa kanang balikat ang backpack ni Santino at saka hinila patayo ang anak. Lalo lamang umiyak si Santino bagay na lalong ikinainis ni Samantha.
Sakto namang may nag-doorbell sa kanilang gate. Paglabas nila Samantha sa pinto ay nakita niya ang kanyang Mama Remedios.
"Ma? Ano pong ginagawa niyo dito?" Taka niyang tanong sa ina. Pinagbuksan niya ito ng gate at noon lang niya napansin ang dala nitong traveling bag.
"Surprise! Dito na muna ako sayo uli titira para naman may kasama kayo ng apo ko. " nakangiti nitong wika.
"P-Paano po si Kuya Samuel at yung mga bata?"
"May nakuha na silang katulong kaya sabi ko sa Kuya mo eh dito na muna ako sayo. Lalo na nag-aaral na si Santi. Mas kailangan mo ng makakasama dito. "
"Okay lang ba kay Kuya na dito muna kayo?"
"Ano ka ba? Siyempre naman okay lang sa kanya. "
Napangiti si Samantha sa narinig.
"Oh teka. Bakit naman umiiyak ang baby namin?" Nilapitan ni Remedios si Santino at inamo-amo.
"Ayaw kasing pumasok sa school. Kanina pa nga po yan nag-aalburuto. "
Sandaling kinausap ng kanyang Mama si Santino. Tumigil naman na ito sa pag-iyak at ngayon nga ay humihikbi-hikbi na lang.
"Bweno, sige na umalis na kayo baka ma-late pa sa school ang apo ko. Ako na munang bahala sa bahay. "
Marahang tumango si Samantha saka humalik sa pisngi ng ina bago sila tuluyang lumabas ni Santino sa gate.
Malapit lang naman ang Integrated School na papasukan ni Santino at pwede lamang itong lakarin. Isa din iyun sa dahilan kung bakit pinili ni Samantha na doon i-enroll ang anak at hindi sa ibang prestihiyusong school para malapit lang kapag ihahatid-sundo niya ito.
Habang naglalakad ay nakasimangot pa rin ang anak kung kaya ay hindi mapigilan ni Samantha ang pagsabihan ito.
"Santi, kapag nasa school ka na hindi pwede yung ganyan okay? Kapag umiyak ka sa school pagagalitan ka ng teacher mo. Tapos yung mga classmates mo pagtatawanan ka nila. Gusto mo ba yun?"
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)