"Anong sabi mo? Si Mark gustong makilala si Lloyd?" Gulat na tanong ni Marie kay Samantha nang tawagan ito ng huli.
"Oo girl. Hindi ko alam kung naghihinala na ba siya o ano. Lately kasi itong si Santi palaging bukam-bibig si Lloyd. Alam mo naman ang batang iyun, palaging hinahanap si Lloyd. May times pa nga na umiiyak siya. "
"Ha? Eh anong sabi ni Mark?"
"Wala naman. Iyun nga ang mas ikinakaba ko eh. Wala siyang sinasabi. Pero alam ko nag-iisip na rin iyun. "
"Baka naman wala naman talagang iniisip si Mark, girl. Baka praning ka lang talaga. "
"Girl. " suway niya dito. Kaya nga si Marie na ang tinawagan niya ay upang makapaglabas naman siya ng kanyang saloobin. Hindi na rin kasi sila masyadong nagkikita-kitang magkakaibigan dahil si Michelle ay umuwi muna sa probinsya nila sa Bicol upang makalimot kahit paano sa naging paghihiwalay nila ni John. At upang makalimutan na rin ang eskandalong kinaharap sa mall kamakailan. At si Marie naman ay naging busy na rin sa trabaho nito. Idagdag pa na kailangan ding asikasuhin ni Samantha ang bagong dating na asawa.
"Okay. Seriously, feeling ko wala ka naman sigurong dapat ipag-alala kung gusto lang naman palang makilala ni Mark si Lloyd. "
"Pero what if-"
"What if malaman niya ang totoo?"
Hindi nakakibo si Samantha.
"Girl, what if tigilan niyo na ni Lloyd ang kung anumang meron kayo? Don't you think it's time na rin para itama niyo ang lahat ng ito? Andito na si Mark. Habang wala pa siyang any idea about sa inyo, mas mabuti pang tigilan niyo na. Tama na. Hindi ka pa ba natauhan sa nangyari kay Mitch at sa asawa ni John? Gugustuhin mo bang matulad sina Mark at Lloyd sa kanila? Pareho lang kayong masasaktan. Worst is, pati si Santi madadamay. "
Matagal bago muling nakapagsalita si Samantha.
"Hindi ko alam girl. Naguguluhan na ako eh. "
"Nasaan ka ba ngayon? Kasama mo ba ang mag-ama mo?"
"Nandito kami ngayon sa SM North. Namimili ng mga pang-regalo sa Pasko. Pero sinamahan lang sandali ni Mark si Santi sa restroom kaya ako nakatawag sayo. "
"Do you want me to go there? I'm just around the corner. After ng meeting namin ng client ko pwede ko kayong puntahan diyan para naman makapag-usap tayo. Of course , yung wala si Mark. "
"Huwag na lang muna siguro girl. Gusto ko munang makapag-isip-isip. Isa pa, mahirap ng pag-usapan si Lloyd kung nasa tabi lang si Mark. "
"Okay. Ikaw ang bahala. "
"Tatawagan na lang kita kapag may pagkakataon. Or better yet, pasyal ka naman sa bahay. Tinatanong na rin kayo ni Mitch sa akin ni Mark eh. Hindi ko lang sinasabi sa kanya ang nangyari kay Mitch kaya siya umuwi sa kanila. "
"Sige. Kapag maluwag ang schedule ko pupunta ako sa bahay ninyo. "
"Thanks girl. Bye. "
"Bye. "
Napabuntong hininga si Samantha. Kahit paano ay gumaan ang bigat na nararamdaman niya nang makausap niya si Marie. Iba pa rin talaga kapag may mga kaibigan kang masasandalan sa oras ng pangangailangan.
Naglakad-lakad siya sa Men's shoes department kung saan mas malapit ang restroom na kinaroroonan nina Mark at Santino. Halos araw-araw ay panay ang pasyal nilang magpamilya. Panay ang pamimili ng mga regalo para sa mga kaibigan at kapamilya sa darating na pasko.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
Roman d'amourEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)