After four years...
Nagbalik sa Pilipinas sina Mark at Samantha kasama ng kanilang mga anak. Yes, nagkaroon na sila ng pangalawang anak na si Sophie na dalawang taon na rin sa kasalukuyan. Nagbalik-bansa sila dahil ikakasal na si Marie sa boyfriend nitong si Eric. Si Michelle? May bago na rin itong boyfriend. Sinagot na nito ang long time suitor nitong si Emman na kasamahan din nito sa trabaho.
Masaya si Samantha dahil nagkaroon ng happy ending ang buhay nila ng kanyang mga kaibigan. Pero minsan sumasagi pa rin sa isip niya si Lloyd.
Masaya na rin ba ito?
It's been four years mula nang huling beses siyang makapunta sa Tondol Beach. Four years na rin mula nang huli niyang makita si Lloyd. Pero kahit na gaano na katagal mula ng huli niya itong makita ay palagi pa rin niya itong naaalala. Palagi pa rin niya itong naiisip. Lalo na kapag ganitong summer. Imposibleng hindi niya maalala si Lloyd.
Kahit naman noong nasa Canada siya at napupunta siya sa mga beaches doon ay si Lloyd agad ang unang pumapasok sa isip niya. Though hindi na siya gaanong nasasaktan kapag naalala niya ito, ay palagi pa rin niyang tinatanong ang sarili kung kumusta na ba ito, kung nasaan na ito, o kung may sarili na rin ba itong pamilya.
Napapangiti siya kapag naiisip niya iyun. Tinatanong niya ang sarili niya kung magseselos pa rin ba siya sakaling makita niya itong may kasama ng ibang babae? Minsan iniisip niya kung ano ba ang magiging reaksyon niya o kung ano ba ang sasabihin niya kay Lloyd kung sakaling magkaharap silang muli.
Pinakiramdaman ni Samantha ang kanyang sarili.
Mahal pa rin ba niya si Lloyd?
Oo, dahil hindi naman basta-basta nawawala ang wagas na pag-ibig. Minsan nakakatulog lang. Pagkatapos ay magigising uli. Tapos mawawala. Parang sunset.
Parang summer. Taon-taon bumabalik.
But don't get her wrong. Mahal din niya ang asawa niya. Sa loob ng apat na taong pagsasama nila sa Canada ay natutunan na rin naman niya itong mahalin. Gaya ng sabi ng kanyang kaibigan at ng kanyang Mama, hindi mahirap mahalin si Mark. Ni minsan ay hindi siya nito sinumbatan sa naging kasalanan niya rito four years ago. At ginampanan naman niya ang papel niya rito bilang mapagmahal at mabuting asawa.
Minsan, sadyang may pag-ibig lang na mahirap kalimutan.
Gaya ni Lloyd. At gaya na rin ng mga paru-paro sa kanyang sikmura kapag naaalala niya kung paano sila nagsimula.
***
Tumayo na si Samantha sa pagkakaupo mula sa reclining chair sa ilalim ng malaking umbrella upang bumalik na sa Lingayen kung saan naroon ang kanyang pamilya dahil doon gaganapin ang beach wedding nina Marie at Eric kinabukasan.Pagtayo niya ay hindi niya agad napansin ang bulto ng isang lalaki na tumatakbo patungo sa kanyang direksyon.
Medyo napasigaw pa siya nang mabunggo niya ito, dahilan upang ma-off balance siya.
"Opps. Sorry. Okay ka lang?"
Natigilan si Samantha nang mapatingin siya sa suot nitong kulay asul na muscle shirts na may malaking logo ni Superman.
Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib lalo na nang mapakapit siya sa maskulado nitong katawan.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
عاطفيةEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)