"Kailangan ko pa lang umuwi sa amin sa Pangasinan sa makalawa. Wedding anniversary kasi nina Nanay at Tatay. " wika ni Lloyd kay Samantha nang magkita sila sa coffee shop na paborito nilang puntahan nina Marie at Michelle. Pero dahil weekday nang araw na iyun ay sila lang ni Lloyd ang naroon. Dinaanan niya kasi ito sa gym.
"Sa makalawa na? Hanggang kailan ka naman doon?" Medyo nalungkot si Samantha sa isiping mawawala na naman si Lloyd sa kanyang paningin.
"Hindi ko alam. Depende siguro. "
"Depende saan?"
"Depende kung hanggang kailan mo ako gustong mag-stay doon. "
Napatawa si Samantha. Ewan niya ba, pero yung simpleng pagpapatawa ni Lloyd sa kanya ay tumatagos talaga sa kanyang puso. May effect pa rin. At yung mga paru-paro sa kanyang dibdib, mas lalo yatang naglalaro.
"Alam mo, wala namang problema sa akin kung uuwi ka sa inyo. Siyempre pamilya mo sila at isa pa anniversary yun ng parents mo so kailangan talaga nandun ka. Kung gaano mo sila katagal gustong makasama okay lang naman din sa akin. "
"Talaga?"
Tumango si Samantha.
"Kahit gaano katagal?"
She shrugged her shoulders.
"Hindi mo ako mami-miss?"
"Siyempre mami-miss. "
"Actually I was thinking if, gusto mong sumama. "
Natigilan si Samantha. Siya? Sasama sa probinsiya ni Lloyd?
"Ako?"
Si Lloyd naman ang tumango.
"Pero...hindi kasi pwede eh. Alam mo naman yun di ba? Hindi ko pwedeng iwanan si Santi. Hindi rin naman ako papayagan ni Mama kapag nalaman niyang tayo lang ang magkasamang luluwas ng Pangasinan. Isa pa, yung parenst mo. For sure magtataka sila kapag isinama mo ako dun. Tatanungin nila kung sino ako sa buhay mo. "
"Eh di sasabihin ko ang totoo. Na ikaw yung babaeng mahal ko. At nagmamahalan tayo. "
"Lloyd..." She warned him.
"I know. Gusto lang naman kitang makasama doon eh. Iyung tayo lang. Iyung malayo dito. Saka gusto kong makilala ka ng parents ko. Kung gaano kaganda at kabuting tao ang babaeng pinakamamahal ko. "
Napangiti si Samantha. "Gusto ko rin naman silang makilala eh. Lalo na dun sa mga kinukwento mo tungkol sa kanila parang ang sarap talaga nilang makilala. Saka yung kapatid mong si Shirley, gusto ko rin siyang makilala ng personal. "
"Iyun naman pala eh. Di sumama ka na. "
"Kaya lang kasi Lloyd..."
"Samantha, no more buts okay? Kahit one day lang. Or if you want balikan? Alis tayo dito ng morning then balik na rin tayo ng gabi. "
Napakagat labi si Samantha. Kung siya ang tatanungin ay gustung-gusto niyang sumama kay Lloyd. In fact kahit saan pa sila pumunta ni Lloyd ay sasama talaga siya. Ang kaso, iniisip lang talaga niya si Santino. If ever ito ang unang beses na mag-out of town siya nang hindi kasama ang anak. At iniisip pa lang niya ay nalulungkot na agad siya. Parang nami-miss na niya ito. Hindi rin naman niya ito pwedeng isama kahit pa nga papayag si Lloyd dahil, ano na lang ang iisipin ng pamilya ni Lloyd kung sakali?
Hindi niya ikinakahiya si Santino. Never. Pero yung isipin na maku-question ng ibang tao ang estado nila ni Lloyd at madadamay pa ang inosenteng anak, iyun ang hindi niya kakayanin.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)