"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. "
Napalingon si Samantha kay Lloyd na noon ay papalapit sa kanyang kinatatayuan.
Nasa may gilid kasi siya ng dagat malayo sa bahay nina Lloyd. Malayo sa mga nagkakasayahan.
"Nagpapahangin lang. " tipid niya itong nginitian saka muling humarap sa dagat.
"Naiingayan ka siguro sa kanila ano?" Pagbibiro ni Lloyd kay Samantha.
"Hindi, ano ka ba? Ang saya-saya nga nilang panoorin eh. Gusto ko lang talagang mapag-isa muna siguro. Magpahangin. "
"You mean gusto mong iwan na muna kita?"
Natigilan si Samantha. Napaisip. Saka napangiti kay Lloyd.
"Hindi. Gusto kong samahan mo muna ako dito. Pwede ba?"
"Oo naman. Ikaw pa. "
Hinawakan ni Lloyd ang kanyang mga kamay at marahan iyung pinisil. Inakbayan siya nito at saka humarap din sa dagat.
"Sigurado ka bang okay ka lang?"
Tumango si Samantha. She's okay, and that's for sure. The only thing lang na bumabagabag sa kanya ay ang kaalaman na bukas ay babalik na sila ng Maynila. Back to normal na naman sila ika nga. She's not complaining though. In fact excited na rin naman siyang makita at makasama muli ang anak na si Santino.
There's just some part of her that wants her to stay in this place. At hindi niya alam kung bakit parang unti-unti niyang nararamdaman na paiksi na ng paiksi ang panahong nalalabi sa kanila ni Lloyd. Alam niyang he would not leave her until unless she say so. And hell she would ever say that to him. Never.
But it really feels like their time is running out.
"Gusto mo bang mamasyal?" Maya-maya ay tanong ni Lloyd sa kanya.
"Saan?" Binalingan niya si Lloyd.
"Kahit saan mo gusto. " anito. "Alam ko na. May mga caves din dito banda. Sasakay lang tayo ng bangka para magpahatid doon sa isla. Mas maganda doon kapag papalubog na ang araw. Mas makikita mo ang ganda ng sunset. "
"Talaga?" Interesadong tanong ni Samantha. Hindi niya maiwasang ma-excite sa idea.
Si Lloyd naman ang tumango.
"Pero paano ang Nanay at Tatay mo? Baka hanapin nila tayo."
"Busy naman sila eh. Saka andun naman si Shirley. Ite-text ko na lang siya. Ano? Tara?"
Tumango muli si Samantha. Ang isipin pa lang ang mga caves na sinasabi ni Lloyd ay nae-excite na siya. Cause finally makakakita na siya ng caves for real. At kasama niya pa si Lloyd.
Ilang sandali lang ay lulan na sila ng de motor na bangka. Nagpahatid sila sa bangkero na kakilala din ni Lloyd.
Habang nasa gitna ng dagat ay hindi na naitago ni Samantha ang labis na pagkamangha sa ganda ng paligid. Higit itong maganda sa mismong gitna ng tubig. Napakalinaw ng tubig na kulay asul. At ang munting mga isla na kayliit lang sa kanyang paningin ay unti-unting nagkaroon ng hugis at anyo habang sila'y papalapit. Ni hindi nga niya alintana ang malakas na hanging sumasalubong sa kanila. Napakasarap niyon sa pakiramdam.
Pigil ang kanyang hininga habang iginagala ni Samantha ang kanyang paningin. Parang sa pelikula. Parang panaginip. Ang mga puno, ang mga yungib, ang mga huni ng ibon, para siyang nasa paraiso. Para siyang biglang napadpad sa ibang mundo. Sa mundo kung saan tanging sila lang ni Lloyd ang naroon.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)