Part 3

393 8 0
                                    

April 22, 2011
Holy Friday

Kinusot-kusot ni Samantha ang nakapikit niyang mga mata nang tamaan ng sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana. Nakalimutan na naman ni Marie isara iyun kagabi. Tumambad sa kanya ang asul na asul na langit na pinatingkad lalo ng sariwang sikat ng araw. At kahit na umaga pa lang ay naramdaman niya na ang init sa simoy ng hangin ng mga sandaling iyun.

Sinulyapan niya ang orasan na nasa pader. Alas otso na ng umaga.

Napabangon siya sa higaan nang mapansing wala sa tabi ang anak na si Santino.

"Santi? Santi?" Tawag niya sa anak.

Ngunit walang Santino na sumasagot. Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto ng comfort room. Wala doon ang bata. Nilapitan niya ang kaibigang mahimbing na natutulog. Suot pa rin nito ang damit kagabi. At sa anyo ng kaibigan ay mukhang naparami ito ng nainom.

"Girl, gising." Niyugyog niya si Marie sa balikat. "Girl..."

"Hmmm. " tumihaya ito.

"Girl napansin mo ba si Santi?"

Idinilat ni Marie ang isang mata.

"Girl andyan lang yan sa tabi tabi. Baka nasa kabilang room kasama ni Mitch. "Muli itong pumikit at itinakip ang unan sa ulo. Halatang ayaw paistorbo.

Lumabas si Samantha at kinatok ang silid nina Michelle at John. Walang sumasagot. Naka-locked iyun. Hinanap niya ang dalawa at agad naman niyang nakita ang mga ito sa dining area ng inn at nag-aalmusal.

Subalit wala doon si Santino.

"Hi Sam, tara breakfast na tayo. " ani John sa kanya nang makita siya. Si Michelle ay agad nag iwas nang tingin sa kanya. Inabala ang sarili sa paglalagay ng scrambled egg sa pandesal.

"Hindi ka na bumalik kagabi. Hinintay ka namin sa bar. " dagdag pa ni John.

"Sorry, sinamahan ko kasi si Santi matulog. "

"Si Marie tulog pa ba?" Si John uli.

Tumango siya. "Si Santi nga pala? Nakita niyo ba?"

Noon lang siya binalingan ni Michelle. Halatang nag-alala din sa bata.

"Hindi. Di ba kasama niyo siya sa room?"

Lalong kinabahan si Samantha. "Oo pero paggising ko kasi wala siya sa higaan namin eh. "

"Saan naman pupunta iyun? Chineck mo na ba sa C.R. ? "

"Wala eh. "

Tatayo na sana si Michelle upang lapitan ang kaibigan nang kapwa sila napalingon sa labas sa gilid ng dagat kung saan may mga taong nagkukumpulan.

Mabilis ang naging pagkabog ng dibdib ni Samantha. Agad siyang lumabas ng inn at patakbong lumapit sa nagkukumpulang mga tao.

"Santi!"

Tinabig niya ang mga taong nakaharang sa kanya nang makita ang anak. Karga-karga ito ng isang lalaki at kapwa basang-basa habang umaahon sa dagat.

"Mommy!" Umiiyak at nanginginig sa lamig na iniabot ni Santino ang mga braso nang makita si Samantha. Niyakap ni Samantha ang basang-basang bata.

Napaluhod siya habang yakap ito.

"What happened baby?" Sinipat niya ang buong katawan ng anak kung may masakit ba dito. Kung may galos ba ito.

"Yung drawing ko nilipad ng wind sa dagat. Ipapakita ko po sayo yun eh kaya nagswim ako. "

Nangilid ang luha ni Samantha sa magkahalong takot at saya. Takot sa kamuntik nang pagkapahamak ng anak. At saya dahil ligtas na ito. Saya dahil siya pa rin ang iniisip ni Santino na kamuntik na nitong ikapahamak. Hinaplos niya ang basa nitong buhok.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon