Part 15

179 4 0
                                    

"Gusto mong iwasan si Lloyd dahil kay Ara?" Tanong ni Michelle sa kanya nang magkita-kita sila muling magkakaibigan sa coffee shop na paborito nilang puntahan tuwing Linggo after ng misa.

As usual si Santino ay kasama ng Mama niya sa paborito nitong arcade.

At naisip ni Samantha na mag-open up sa mga kaibigan patungkol sa ilang araw na ring gumugulo ss kanyang isipan. Iyun nga ang tungkol kina Ara at Lloyd.

"Ewan ko. Tingin ko kailangan kong gawin yun para makaiwas sa gulo. Kasi di ba, baka ako pa yung makasira sa kanila?" Sagot naman ni Samantha sa kaibigan.

Nagkitingan sina Michelle at Marie bago nagsalita ang huli.

"Oo nga andun na tayo. Pero di ba si Superman na rin ang nagsabi na wala naman silang relasyon ni Ara? So bakit mo iisipin ang sasabihin niya?"

"Pero kasi ayoko ng ganitong pakiramdam. Na sa tuwing magkikita kami ni Ara ay parang nagiging awkward ang sitwasyon namin. Para lang kaming nagpaplastikan. "

"What? Plastikan?" Napatawa si Marie. "Girl, definitely nakikipagplastikan lang siya sayo especially na very obvious na may gusto siya kay Superman. But so what? Kung wala ka namang tinatago sa kanya eh bakit ka maiilang di ba?"

Napaisip naman si Samantha sa sinabi ni Marie. Oo nga naman, bakit siya maiilang? May itinatago nga ba siya?

"Alam mo girl, nakukuha ko naman ang point ni Sam. Ayaw lang niya ng gulo. Ayaw lang niya ng issue especially na teacher pa ni Santi si Ara. So kung may gusto man si Ara kay Lloyd at si Lloyd ay malapit naman kay Sam, hindi malayong isipin nung isa na may namamagitan sa kanila. At kapag nangyari iyun ay posibleng maapektuhan pati si Santi dahil teacher nga niya si Ara. Do you understand what we were trying to say?"

Bumuntong hininga si Marie.

"Okay. I got your point. Pero kahit na. She shouldn't feel jealous with Sam. Married na si Sam. Kung meron man siyang dapat na pagselosan, it must be me. " tumawa pa si Marie sa sinabi. Pero hindi iyun nakatulong para pagaanin ang bigat ng nararamdaman ni Samantha ng mga sandaling iyun.

"Girl if you're not comfortable anymore with Lloyd because of Ara, then maybe it's time na para iwasan mo muna siya. Si Lloyd. " maya-maya ay payo sa kanya ni Michelle.

"What? Iwasan? Wait, bakit parang si Sam pa ngayon ang nagmumukhang kontrabida sa kanila? Eh wala namang ginagawang masama si Sam. " giit naman ni Marie.

"Girl hindi ko sinasabing may ginagawang masama si Sam, okay? All I am saying is kailangan lang niyang mag-step back a little para sa ikatatahimik niya. We don't want her to get into trouble, don't we?"

Nagkibit-balikat si Marie. "Right. " maya-maya ay wika nito pero nasa mukha pa rin nito na hindi pa rin ito kumbinsido na iwasan ni Samantha si Lloyd.

"Pero si Ara lang ba talaga ang reason bakit gusto mong iwasan si Superman?" Binalingan ni Marie si Samantha na medyo ikinagulat ng huli.

"O-Oo naman. Ayoko lang naman kasing pinag-iisipan ako ng masama ng iba. Lalo na kung hindi naman totoo. "

"Then if it's not true you shouldn't be bothered. Okay? Chill lang girl. Ganyan talaga ang mga magaganda. Pinagseselosan ng mga bitter. Ang point ko lang naman din kasi, ano'ng iisipin ni Superman kapag iniwasan mo siya? I'm sure magtataka din yun. Hindi mo rin naman pwedeng sabihing 'uy mag-iwasan muna tayo ha?' Ano yun? Teenagers? Saka di mo rin naman gagawin yun if ever. I mean yung mahumaling ka sa iba. I know you kaya. "

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon