"...and he is my daddy. "
Masigabong nagpalakpakan ang mga nanonood kay Santino matapos mapanood ang maiksing video message sa kanya ng kanyang ama.
"We may not be together and we may not always see each other but I know that he is the best daddy. Mommy said that he works very hard for me so that I will never run out of milk and toys..."
Nagtawanan ang mga naroon. Kaya naman pati si Samantha ay napatawa rin.
Isa-isa ding binubuklat ni Santino ang pahina ng ginawa niyang scrapbook habang nakatungo at nagkukuwento tungkol sa ama na hindi pa niya nakakasama mula pa noong siya ay isilang.
Maya-maya pa ay biglang natahimik ang lahat nang tila nalungkot si Santino.
"I wish he's here so that we can play my favorite video games and eat my favorite ice cream and chocolate together. Sleep together. And carry me on his back and embrace me during stormy nights. Listens to my endless stories and give me a treat whenever I get stars and very good in school..."
Natigilan si Samantha sa narinig. Hindi niya inaasahan ang small speech ng anak kaya naman hindi niya napigilan ang medyo mapaluha lalo na nang mapansin niyang kinu-kusot na ni Santino ang sarili nitong mga mata dahil sa nagbabadyang mga luha.
Tila nadudurog ang puso ni Samantha at gusto niyang lapitan at yakapin ang anak. Hindi niya akalain na ganoon ang mga nasa isip ni Santino. Na sa murang edad nito ay naghahanap na ito ng presensya ng ama. Akala niya ay sapat na ang nakikita nito si Mark sa mga pictures nito sa Facebook o di kaya ay nakakausap sa phone kapag tumatawag o di kaya ay sa video call.
Ngayon lang niya na-realized may isip na ang anak. Marunong na itong makaramdam. Marunong na itong mangulila. Marunong na itong maghanap.
Maya-maya ay tiniklop na ni Santino ang hawak na scrapbook at saka taas noong ngumiti sa mga manonood.
"...but even though I miss my own daddy, I am very grateful for having someone who is always there for me. We played a lot and he makes me very happy. He teaches me how to draw and he listens whenever I tell him a story.
He taught me how to swim. And he saved my life once when I almost drowned.
For me he is my second daddy. And he's my superhero.
He is my Superman. "
Napatingin silang lahat kay Lloyd nang ituro ito ni Santino. Halatang nagulat din ito sa narinig kaya naman napatingin ito bigla kay Samantha.
At kung gaano sila katagal na nagkatitigan ay hindi nila alam.
Hindi alam ni Samantha ang gagawin. Hindi rin niya inaasahan ang mga sinabi ng anak. Kaya naman nang magpalakpakan ang mga nasa loob ng classroom ay tinanguhan na lang niya si Lloyd at saka ito tipid na nginitian habang mahina siyang pumalakpak.
Nakangiting nilapitan ni Lloyd si Santino at saka ito niyakap. Pagkatapos ay nag-apir ang mga ito at saka ginulo ni Lloyd ang buhok ng bata at saka kinarga.
Napahagikgik si Santino sa kung anumang ibinulong ni Lloyd dito.
Naluluha man ay hindi napigilan ni Samantha ang mapangiti sa sarili. Sobrang proud siya kay Santino. Gusto niyang ipagsigawan sa lahat ng naroon na anak niya ito at sobrang ipinagmamalaki niya ito. Pero alam niyang hindi na niya iyun kailangan pang gawin dahil ang ibang mga naroon na nakakasabay niya sa pagsundo at paghatid sa anak ay napatingin sa kanya at masayang ngumiti sa kanya. Ang ilan ay nag-congratulate pa sa kanya bago tuluyang matapos ang programa.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)