THE MAKING

311 4 2
                                    

Four years ago, I decided to write this story. It's about Right Love At The Wrong Time.

As we all know, hindi naman na bago yung ganitong mga Love Affairs or Forbidden Love. It happens everyday...and we've already seen movies and TV series like this like No Other Woman, The Legal Wife & Two Wives.

Pero siguro yung intriguing lang dito is kung paano ang isang matinong babae na may almost-too-perfect na character at pamilya ay nagawang magkamali at ma-in love sa iba.

Hindi naman kasi madalas na naririnig natin yung side ng mga babaeng nangangaliwa. Palagi na lang yung side ng lalaking may kabit ang alam natin. Mostly kasi kapag lalaki ang nangaliwa parang okay lang, tanggap na natin. Pero kapag babae ang gumawa - napakalaking issue, napakalaking krimen.

So in this story, I tried to explain kung bakit nagawa ng bidang babae yung ganun - yung ma-in love sa iba habang siya'y kasal na. Dito pinakita ko kung ano din ba yung mga hirap at sakripisyo niya para pigilin yung kanyang feelings na huwag matukso.

Ayoko rin naman na lumabas na masama ang asawa niya at yung kabit niya - in short ayoko ng may kontrabida since I wanted this to be more realistic, that's why it was so hard for me to defend and give justice to each characters.

I love drama, coz medyo madrama din ang buhay ko. (Chos!) And I guess dito ako mas expert at mas marami kasi akong pinaghuhugutan dito. Some scenes in this story are truly inspired from real events. I always use real names of my friends to make it more exciting. I listened to certain songs also para mas feel ko talaga yung emotions. Kahit paulit-ulit na lang sa playlist ko ang I love you Goodbye, I'll never love this way again, A whole new world, Bukas na lang kita Mamahalin, Don't say goodbye at Dance with my father again.

I also did some research and interviews para dito.

Siguro for me, huwag na lang sana nating husgahan ang mga taong nai-in love sa iba kahit na may asawa na o karelasyon na. May kanya-kanya naman kasing dahilan ang bawat tao kung bakit sila nahuhumaling sa iba. Either nakikita nila sa iba yung mga bagay na hinahanap nila sa partner nila or maybe nararamdaman nila sa iba yung pagpapahalaga sa kanila na hindi nila nararamdaman sa present partners nila. Ganun lang yun di ba? Pero siyempre, ang mali ay mananatiling mali :) kung ano ang mayroon ka, pahalagahan mo. Mahalin mo. Kasi hindi mo naman pipiliin yung taong kasama mo ngayon kung hindi mo rin siya minahal noon?

Ang love, like I always say, hindi yan nawawala. Nakakatulog lang :)

Basta, ang dami kong hirap at puyat sa novel na ito. Pero sulit naman kasi sa tingin ko, naibigay ko naman hindi lang ang best ko kundi pati puso ko sa kwentong ito :) sana lang marami kayong natutunan dito.

And since nakalimutan kong mag-thank you sa pinsan ko sa pagsi-share niya sa akin ng talent niya sa pagbi-bake na ginamit ko sa character ni Samantha ay dito ko na lang siya pasasalamatan.

Ate Helen Celeste - thank you from the bottom of my heart :)

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon