So what's the real score between Lloyd and Ara?
Iyun ang katanungang hindi mawaglit-waglit sa isip ni Samantha mula nang makita niya ang dalawa sa mall hanggang sa makauwi na sila ng kanyang Mama Remedios at anak na si Santino sa kanilang bahay maging sina Michelle at Marie.
Alam niyang wala siyang pakialam sa kung anumang relasyon mayroon ang mga ito. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Na para bang gusto niyang malaman mismo mula kay Lloyd kung ano ba talaga ang estado nilang dalawa ni Ara.
Pero paano? Hindi naman sila nag-uusap ni Lloyd. Hindi nga ba't iniiwasan niya ito? At kung sakali mang magkausap sila, ano naman ang iisipin ni Lloyd sa kanya kapag tinanong niya ito tungkol sa sarili nitong love life?
Na nanghihimasok siya?
Tss. Hindi niya gagawin iyun. Hindi niya ugali iyun. Hindi siya ganun.
May asawa't anak na siyang tao at labas na siya sa relasyon nina Lloyd at Ara kung mayroon man. Besides, pareho namang single ang mga ito kung kaya malaya nilang gawin ang mga gusto nila.
At iyun ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili.
Pero hindi pa rin maiwasan ni Samantha ang makadama ng pagkailang kinabukasan pagkahatid niya kay Santino sa school at nakita sina Lloyd at Ara.
Binati naman siya ng mga ito. Lalo na si Lloyd na palagi pa ring nakangiti sa kanya. Si Ara naman ay ganun din. Pero napansin ni Samantha na tila kakaiba ang mga tingin ni Ara sa kanya mula nang makita niya ang mga ito sa mall na magkasama kaysa noong unang araw na makita naman sila nito ni Lloyd na masinsinang nag-uusap na dalawa. Na para bang may gusto itong ipahiwatig sa kanya. At kung anuman iyun ay alam niyang hindi niya iyun magugustuhan.
Hindi niya iyun magugustuhan dahil alam niyang sa likod ng isip ni Ara ay may iniisip itong hindi maganda tungkol sa kanya.
Hindi kaya pinagseselosan siya ni Ara?
O baka naman paranoid lang talaga siya?
"Mrs. Del Rosario. " nakangiti siyang nilapitan ni Ms. Palma, ni Ara pagkapasok ni Santino sa classroom ng mga ito.
Pinilit naman ni Samantha na ngitian ang babae.
"Ms. Palma. " ganti niyang bati dito.
"I'd like to inform you na rin in person about our upcoming Father's day event next week. Kailangan kasing um-attend ng mga daddy dito sa school para sa program. "
Napaisip si Samantha pagkuwa'y napasulyap kay Lloyd na noon ay masayang nagbibigay ng instructions sa mga bata.
"Ganun po ba?" Agad siyang nag-iwas ng tingin nang mapansing mataman siyang tinititigan ni Ara.
"Nasa Canada po kasi ang daddy ni Santi. Pwede naman kahit ako na lang ang um-attend di ba?"
Halatang nagulat si Ara sa kanyang sinabi. Pagkatapos ay sinulyapan din nito si Lloyd.
"Of course pwede. Mag-prepare na lang po sana kayo ng something na magpapakita ng bonding moments o memorabilia ni Santi at ng daddy niya. Kahit ano. Ikaw na ang bahalang mag-decide. "
Tumango lang si Samantha at saka siya nagpaalam sa guro.
***
"Hindi ko ho alam kung ano'ng dadalhin namin ni Santi sa school para sa Father's Day event nila. Wala naman kasi silang pictures na magkasama ni Mark. " huminga ng malalim si Samantha habang isa-isang tinitingnan ang mga baby pictures ng anak sa mga nakatago nitong albums.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)