Part 17

158 4 0
                                    

Music And Lyrics Bar And Restaurant. Iyun ang pangalan ng bar na kanilang pinuntahan ng gabing iyun somewhere in Makati.

Isa iyung bar na makaluma ang konsepto ng instraktura sa labas at loob. Mga antigong mesa at upuan, mga bintana na tulad ng panahon pa ng mga Kastila, ang mga ilaw ay yari din sa katulad ng bintana. Para lang silang nag-travel time sa panahon ng mga Espanyol. Ang sahig ay yari din sa lumang kahoy na tila mas lalo pang naka-attract sa mga tao dahil sa mga bakas ng tirahan ng mga anay noon bago pa man ito ma-preserved na siyang mas nakadagdag ng uniqueness at ancient look nito.

Dim lang din ang liwanag sa loob ng bar na binagayan pa di umano ng malamig na boses ng babaeng umaawit sa mini stage na naroon kasama ang tatlong lalaki. Isa sa gitara, isa sa base and drums at ang isa ay sa piano. Isang mellow song ang madamdaming inaawit ng singer. Ang awiting unang pinasikat noon ni ZsaZsa Padilla na ni-revived naman ni Nina ilang taon na rin ang nakalilipas.

Ang I love you, Goodbye.

Natigilan si Samantha pagkarinig niya sa awitin. Hindi niya tuloy maintindihan ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyun. Para siyang pinapatamaan. Parang lalo lang siyang nalulungkot sa nalalapit nilang paghihiwalay ni Lloyd.

I love you, Goodbye? Iyun ba ang sasabihin niya dito mamaya?

"....leaving someone when you love someone is the hardest thing to do...
When you love someone as much as I loved you...oh I don't wanna leave you baby it tears me up inside...I'll never be the one you're needing...

I love you, goodbye.."

Bawat lyrics tila kutsilyong humihiwa sa kanyang puso.

Napayuko si Samantha. Tila natulos na sa kinatatayuan ang kanyang mga paa at ayaw na niyang tumuloy pa sa loob. Parang hindi niya kaya. Parang magdadagdag lang siya ng panibagong alaala kasama si Lloyd. At tiyak niyang mahihirapan lang siya lalong kalimutan ito kapag mas dumarami pa ang masasayang sandali nilang magkasama.

Naramdaman lang niya ang marahang pagpisil ni Lloyd sa kanyang kamay kung kaya ay nag-angat siya ng tingin dito.

"Okay ka lang?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.

Tinitigan niya si Lloyd sa mga mata nito. Ang mga mata nitong tila laging nangungusap sa kanyang puso. At nakikita niyang muli dito ang dahilan kung bakit niya ito nagustuhan. Kung bakit siya nahuhulog kay Lloyd. Dahil sa mga mata nito nakikita niya ang mga bagay na hindi niya nakikita sa kanyang asawa, kay Mark.

Gustong umiyak ni Samantha pero pinipigilan niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang masira ang gabing iyun. Gusto niya munang makasama pa si Lloyd, kahit ngayon lang, kahit sandali lang. Pagkatapos ng gabing iyun ay nasisiguro na niyang hindi na niya ito muli pang makikita. Iiwasan na niya ito. Kaya kahit ngayon lang ay gusto naman niyang pagbigyan ang sarili.

Pinilit niyang ngumiti saka tumango upang hindi mahalata ni Lloyd ang tumatakbo sa kanyang isipan.

Siya namang paglapit sa kanila ni Marie. Bagay na ipinagpasalamat ni Samantha ng lihim.

"Hi girl! Hi Superman!" Nakipagbeso-beso sa kanila ang babae. Hawak ni Marie ang isang bote ng alak at sa anyo nito ay halatang kanina pa ito umiinom.

"I'm so glad you've made it!" Malakas nitong wika sa kanila upang marinig nila ito. Masyado kasing malakas ang music sa loob. Idagdag pa ang mga kwentuhan ng mga naroon. Ilan sa mga ito ay grupong nagpunta doon ngunit karamihan ay pares ng babae at lalaki.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon