Pinaghalo ni Samantha ang crushed graham and butter sa malaking stainless bowl at maingat na naglagay ng tig isang kutsara nito sa bawat cupcake linen na maayos na nakahanay sa tray.
Pagkatapos ay isinindi na rin niya ang oven para ma-ready, inilagay niya iyun sa 350 degree.
Nang lumambot, inilagay niya sa mixer ang cream-cheese. Hinalo-halo niya ito at ang asukal at maging ang mga itlog isa-isa.
She also added vanilla flavor and last egg together. At ang pinakahuli ay ang arina. She sifted the flour slowly while adding it to the mixture upang di magbuo-buo. She also used an icecream scoop to make sure that all mini cheesecakes are equally parted. She baked them for 15-20 mins at hinayaan iyung lumamig sa wire rack.
Iyun ang isa sa pinaka-hate niya sa tuwing nagbi-bake siya. Excited kasi siya mag-frosting. Doon kasi ay malaya niyang napapagana ang kanyang imahinasyon at creativity sa pagde-design ng mga cakes o cookies.
Sa tuwing nagbi-bake siya ay pakiramdam niya'y nagkakaroon siya ng kumpiyansa sa sarili.
Para bang nagpapatunay iyun na siya, bilang isang house wife at full time mom ay may iba pang kayang gawin bukod sa pag-aasikaso ng pamilya.
Mula sa mini bar na siyang division ng kanilang kitchen at dinning area ay sinulyapan niya ang kanyang Mama na noon ay masayang nakikipaglaro sa sala kasama ang kanyang anak na si Santino.
Napangiti siya.
Pinunasan niya ng kanyang braso ang kanyang pinagpapawisang noo pagkuwa'y inipit sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa kanyang hairnet. Kahit pa nga nasa sarili niya siyang pamamahay ay pinapairal niya ang paggamit ng hairnet kapag siya ay nagluluto. Ganun siya ka-organized sa lahat ng bagay.
Inabot niya ang cup ng whole cream at hinalo-halo ito for 1 minute then she added 1/2 cup caster sugar or icing sugar at hinalo-halo iyun for another 2-3 minutes.
Hanggang sa dumating na ang pinaka-hihintay niyang part.
Gamit ang startip ay maingat niyang nilagyan ng icing ang bawat gilid ng mini cheesecakes at sa gitna ay nilagyan niya iyun ng blueberry.
After few minutes ay ready na ang kanyang blueberry cheesecakes.
**********************************************************
"Wow! Cheesecake!"Mabilis na binitiwan ni Santino ang hawak niyang bola at agad tumakbo palapit kay Samantha na noon ay bitbit ang isang tray na kinalalagyan ng cheesecakes at isang pitsel ng tinimplang juice.
"Wait baby, careful. " ani Samantha sa apat na taong gulang na anak na lalaki. At bago pa man niya iyun tuluyang mailapag sa center table ay kumuha na si Santino ng isang pirasong cheesecake at agad iyung nilantakan.
Natatawa namang pinunasan ni Remy, ang Mama ni Samantha, ang pisngi ng apo nang magkalat dito ang blueberry.
"Grabe mukhang gutom na gutom ang aking apo ah. " aniya. Tinanggap niya ang baso ng juice na iniabot sa kanya ni Samantha.
"Excited ang anak mo sa bakasyon niyo bukas. Mabuti na lang at naisipan mong ilabas naman ang bata nang makalanghap naman siya ng sariwang hangin. Hindi iyung puro polusyon dito sa Maynila. Pati na rin ikaw. Makakabuti sa inyo ang bakasyon. "
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)