"Party! Party! Yeah!"
Iniyuyugyog pa ni Marie ang kanyang ulo habang pumapasok sila sa isang local bar na naroon lang din sa resort. Isa iyun sa mga dinadayo ng mga bakasyunita na ang hanap ay masayang party sa gabi.
Pangalawang gabi nila sa lugar subalit noon lang sila makakagala. At gaya nga ng sabi ni Marie ay hindi kumpleto ang summer experience kung walang night party.
Matapos patulugin ni Samantha si Santino ay napilitan siyang sumama sa tatlo. Nahihiya din naman siya kay Michelle na tanggihan ito lalo pa't ito ang nag-set ng kanilang bakasyon. Hindi naman kasi talaga siya sanay sa mga ganoong klase ng lugar. Ang pinakahuli niyang punta sa bar ay four years ago pa. College pa siya that time.
Mabuti na lang at mayroon siyang Baby Monitor kung saan ay mabilis niyang mache-check ang bawat kilos ng anak dahil connected iyun sa kanyang cellphone. Besides, malapit lang naman din ang bar. Walking distance lang ito mula sa Traveling Inn na tinutuluyan.
Pumasok sila sa local bar - isang bar na yari sa pawid at kawayan ngunit sa loob ay mararamdaman at makikita mo talaga ang 'party' na tinatawag tulad ng ibang bar sa Manila.
May DJ na noon ay abalang-abalang nagpapatugtog ng lively music habang gaya ng ibang parokyanong naroon ay umiindayog din.
"Medyo kaunti pa lang ang mga tao ngayon pero for sure bukas mas dagsa na ang mga turista. " nakangiting wika ni Michelle sa kanila habang naghahanap sila ng available table for them. Minsan nang nakapunta si Michelle doon. At nabanggit nito noon sa kanila na maganda nga ang mga beach resorts sa Pangasinan lalo na ang bagong diskubreng White Beach sa Tondol.
"Wow. Really? Great. Ang saya naman dito. Not the usual night club sa Manila. But in fairness, ang dami din palang cute na guys. " wika ni Marie na bahagya pang gumanti ng kaway sa isang lalaki na noon ay kumindat dito.
Napailing na lang si Samantha. Tahimik na naupo sa apatang mesa na nasa bandang sulok. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Maya't maya ang sulyap sa kanyang cellphone at chine-check si Santino. So far ay mahimbing pa rin naman sa pagtulog ang anak. Nagpabiling-biling ito saglit sa higaan habang nakapikit at nang mahawakan nito ang paborito nitong stuff toy ay niyakap nito iyon at hindi na muling naglikot pa.
"So, anong order niyo?" Ani John sa kanila. Matapos sabihin nina Michelle at Marie ang kanilang order mula sa menu na nasa mesa ay si Samantha naman ang binalingan ng tatlo.
"Girl ikaw? Anong order mo?" Tanong ni Michelle sa kanya. Muling pinasadahan ni Samantha ng tingin ang buong menu.
"Mango shake na lang sa akin. "
"That's it?" Ani Marie na napaarko ang kilay. "Girl ano ka ba? Mag-enjoy ka naman kahit konti. " patungkol ni Marie sa drinks na inorder ni Samantha. Silang tatlo kasi nina John at Mitch ay nagkasundo na umorder ng isang bucket ng beer, nachos at lechon kawali.
"You asked me anong order ko. Yan lang ang gusto ko. " mahinahong wika ni Samantha.
"But-"
"Girl hayaan mo na si Sam. " hinawakan pa ni Michelle ang braso ni Marie upang huwag na nitong kulitin pa si Samantha. Alam naman kasi niya na hindi talaga sanay si Samantha sa mga ganoong lugar at hindi rin ito umiinom ng alak. Mabuti na nga lang at napilit pa nila itong sumama sa kanila. Kahit na alam niyang para sa kanya kaya iyun ginawa ng kaibigan. Bagay na ikinatuwa niya.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)