"Mommy, bakit ang tagal po umuwi ni daddy?" Malungkot na tanong ni Santino kay Samantha ng gabing nasa kanilang silid na sila.
Nakasandal sa headboard ng kama si Samantha habang nakahiga naman si Santino at ang ulo nito ay nasa kanyang kandungan. Tinitingnan nila ang mga pictures sa kanilang photo albums. At dahil sa nangyaring Father's Day Event sa school at sa mga sinabi ni Santino kung kaya naisipan ni Samantha na ipakita muli sa anak ang mga lumang larawan nila lalo na ang kay Mark. Mga kuha nila noong kasal nila, noong ipinagbubuntis niya si Santino, noong nasa ospital siya at bagong silang pa lang ito, noong binyag at ang pinakahuli ay ang picture nila sa airport nung araw na umalis si Mark papuntang Canada.
Maliban doon ay wala ng pictures sina Mark at Santino na magkasama.
"Malapit mo na siyang makita baby. Sa December uuwi na siya. Ilang buwan na lang iyun from now di ba? Hindi ka ba excited? Makakasama mo na ang daddy mo. Makakalaro. Makakausap. "
Sandaling hindi kumibo si Santino.
"Mommy mabait din ba si daddy just like Superman?"
Si Samantha naman ang hindi kaagad nakakibo sa narinig.
"Oo naman. Sobra. " aniya na wala na sa mga larawan ang atensyon.
"Gusto ko si Superman maging daddy. Kasi he takes care of me. He makes me laugh and he let me ride on his back. Sana siya na lang ang daddy ko. "
Inilapag ni Samantha ang photo album sa bed side table at hinarap ang anak.
"Baby don't say that. " aniya na nagulat sa narinig. "Mabait ang daddy mo. Di ba lagi ko naman sinasabi sayo yun? Saka kapag nagkakausap kayo di ba mabait siya sayo? Saka mahal na mahal ka niya. "
Bumangon si Santino at parang matandang umupo sa tabi ni Samantha.
"Eh bakit po kasi siya umalis? Bakit po kasi hindi natin siya kasama?"
Sandaling napapikit si Samantha. Ilang ulit na kasi niyang pinapaliwanag iyun kay Santino. Alam naman niyang naunawaan na siya ng anak pero bigla-bigla na lang itong nangungulit muli tungkol sa ama. Hindi naman niya pagsasawaang ipaliwanag iyun kay Santino. Gusto rin naman niyang tumatak sa isip nito ang magagandang bagay na ginagawa ni Mark para sa kanila. Ang pagmamahal nito at mga sakripisyo.
"Eh kasi nga di ba. Kailangan niyang mag-work sa Canada para may pera tayo pambili ng mga needs mo sa school. Yung milk mo, toys mo. At higit sa lahat para may maganda kang future. "
"Bakit yung ibang mga classmates ko may pambili din sila ng milk at toys nila pero andito yung daddy nila?"
Natigilan si Samantha sa tanong ng anak. Halatang nakuha niya ang point ni Santino.
"Kasi baby iba yung pangarap ni daddy para sa atin. Gusto niya sa Canada tayo titira. Kaya nga siya nagta-trabaho dun mabuti para madala niya tayo doon. Di ba gustung-gusto mo ng snow? Sa Canada may snow. "
"Ayoko na sa Canada kung hindi rin naman natin siya kasama ngayon. Gusto ko dito na lang basta kasama si daddy. "
Malungkot na nginitian ni Samantha ang anak. Niyakap niya ito at saka hinagkan.
"Makakasama din natin siya baby. Soon we will. "
Pumikit si Samantha saka mahinang kinanta ang paboritong lullaby ni Santino hanggang sa makatulog na ito.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)