Two months later...
Pinagmasdan ni Samantha ang calendar na nakapatong sa bed side table niya at saka tila wala sa sarili na pinilas ang pahina ng November.
December na. Aniya.
Sa lahat naman ng tao na abala sa nalalapit na kapaskuhan, siya itong hindi masaya.
Kaybilis lumipas ng araw. Halos hindi niya namalayan na napakabilis ng naging pagtakbo ng oras. Anytime soon ay darating na si Mark. Kung kailan eksakto ay hindi niya alam. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa sa pagbabalik nito. Hindi pa siya handang makita ito, makasama. Hindi pa siya handang mahiwalay kay Lloyd.
Time is too swift for those who enjoy ika nga sa isang poem na kanyang nabasa. At kung kailan naman nag-i-enjoy pa siya ay saka naman tila kaybilis lang ng panahon.
***
"Mark!"
"Surprise. "
Daig pa ni Samantha ang tila nakakita ng multo nang pagbukas niya ng pintuan sa kanilang sala ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ng kanyang asawa. He's still wearing his jacket from the airport. Halata sa mga mata nito ang kakulangan sa tulog marahil ay dahil sa byahe. But all in all, he's still looking gorgeous. He still have the pretty boy face that he had during their college days. Though medyo may mga wrinkles na nga lang ito ng konti sa gilid ng mga mata nito dala na rin marahil ng pagma-matured nito. The man who was standing right in front of her is exactly the same man na tinitilian at kinakikiligan noon ng mga babae sa kanilang campus.
Sa tabi nito ay ang maleta nito at ibang mga bagahe.
Tila natulos sa kanyang kinatatayuan si Samantha kung kaya kahit na niyakap siya ni Mark ay hindi agad siya nakakilos. Agad niyang nasamyo ang pabango nito.
"A-Andito ka na pala. " sambit niya. She hoped na hindi mahimigan ni Mark ang disappointment niya kaysa sa excitement na malamang narito na ang asawa.
"Yup. Sabi ko naman sayo di ba? Gusto kong i-surprise kayo. Na-surprised ka ba?" Nasa mga mata ni Mark ang labis na saya. And all she could do was to stare at him blankly.
Marahang tumango si Samantha sabay pilit na ngumiti.
Totoong nasorpresa siya sa mas maagang pagbabalik bansa ni Mark. At ang unang sumagi sa isip niya pagkakita sa asawa ay si Lloyd.
Kailangan niyang makausap si Lloyd. Kailangan niyang ipaalam dito na dumating na si Mark. May usapan silang magkikita nang araw na iyun after niyang sunduin si Santino sa school. Alam niyang maghihintay sa kanya si Lloyd kung kaya kailangan niya itong makausap.
"Bihis na bihis ka. May lakad ka ba?" Tanong ni Mark sa kanya. Halatang ito man ay humanga sa kanyang ayos at hitsura.
"S-Susunduin ko kasi si Santi mamaya sa school. Kaya nakabihis ako. " aniya.
"Samantha sino ba yung-" natigilan ang Mama Remedios niya nang makita ang kausap ng anak. "Mark! Hijo! Aba'y narito ka na pala!"
Nilampasan ni Remedios ang anak at saka niyakap ang manugang.
"Kumusta po?"
"Kailan ka pa dumating ha?"
"Kanina lang po. "
"Bakit hindi ka nagpasabi para sana nasundo ka namin at nakapagluto man lang ng masarap na ulam."
"Sinadya ko po talagang sorpresahin kayo. "
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)