Part 23

171 4 0
                                    

Masayang nagtatawanan sina Lloyd at ang pamilya nito nang lumabas ng silid si Samantha. Pero hindi siya agad lumapit sa mga ito. Nanatili siyang nakatayo sa labas ng pinto kung saan kitang-kita niya ang masayang pag-uusap ng apat sa sala. Sina Carmela at Nestor ay magkaakbay na nakaupo sa mahabang upuan na yari sa kawayan, si Shirley ay naka-poised na nakaupo sa single chair na kawayan din at si Lloyd ay sa sahig nakaupo habang nagkukuwento sa mga ito ng mga nakatatawang experiences nito sa Maynila at ang bibig ay punum-puno pa ng tinapay na binili ni Shirley kanina sa tindahan.

"Samantha, halika, saluhan mo kami dito. "

Napakislot si Samantha nang balingan siya ng ama ni Lloyd. Napalingon naman sa kanya ang tatlo. At gaya ng inaasahan ay napalis muli ang ngiti ni Shirley sa labi pagkakita sa kanya. Nag-iwas ito sa kanya ng tingin.

Lumapit si Samantha sa mga ito.

"May dala po pala akong Fudge wallnut brownies. Pasensya na po kayo ito lang ang nagawa ko. Happy Anniversary po. " wika ni Samantha sabay abot ng dalawang box ng brownies.

"Naku, nag-abala ka pa. Pero maraming salamat anak. " wika naman ni Nestor nang kunin ang kahon.

"Oo nga, salamat hija. Nabanggit nga nitong si Lloyd na nagbi-bake ka. " Nakangiting wika naman ni Carmela.

"Pwede na ba naming tikman?" Tanong pa ni Nestor na aktong bubuksan na ang takip ng box pero agad tinapik ni Carmela ang kamay nito.

"Bukas pa ang anniversary natin di ba? Eh di bukas pa natin yan kakainin. " mahina nitong wika sa asawa subalit dinig na dinig pa rin nila. Nagkatawanan sina Lloyd at Samantha.

"Isa lang naman eh. " hirit pa ni Nestor.

"Hindi. Amina yan. Ilalagay ko muna sa ref. " tumayo si Carmela at nagpaalam kay Samantha na dadalhin lang ang mga iyun sa kusina.

Naupo si Samantha sa isa pang upuan at nakipagkwentuhan saglit kina Lloyd at sa tatay nito. Si Shirley ay tahimik lang habang busy sa kanyang cellphone. Pero alam ni Samantha, nakikiramdam lang ito sa kanila.

Naiintindihan naman ni Samantha si Shirley kung medyo hindi agad palagay ang loob nito sa kanya. Base kasi sa mga kwento ni Lloyd patungkol dito ay talagang spoiled ito sa lalaki. Kaya siguro hindi maiwasang maging choosy nito pagdating sa mga babaeng napapalapit sa nakatatandang kapatid. Marahil ay nagseselos lang ito o natatakot na baka mawala ng tuluyan ang atensyon ng Kuya Lloyd nito sa kanya. Pero kung siya ang tatanungin, gusto sana niyang mapalapit din kay Shirley. Sa tulad niyang bunso at walang ibang kapatid ay sabik din siyang magkaroon ng kapatid na babae. Pero alam niya na hindi magiging madali ang makuha agad ang tiwala ng kapatid ni Lloyd.

Matapos ang ilang minuto ay nagtungo silang lahat sa kusina, maliban kay Shirley na mas pinili pang manood ng telebisyon.

"Ipagluluto tayo ni Lloyd ng espesyal niyang sinigang. " pagdedeklara ni Carmela sa kanila.

Pumalakpak naman si Nestor sa narinig.

"Matagal-tagal na rin kaming hindi nakakatikim ng sinigang anak. Ang nanay mo kasi puro isda at gulay ang ipinapakain sa amin ng kapatid mo. " kunwari ay nagtatampo pa ito.

"Kuuu. Tigilan mo nga ako Nestor. Aba siyempre napakamahal ng karne ng baboy ngayon baka akala mo? Mainam nga ang isda at gulay dahil masusustansya."

"Naku, si Nanay at Tatay talaga, walang kasing-sweet kung maglambingan sa isa't isa. Parang laging bagong kasal eh. " ani Lloyd.

"Hindi lambing iyun. Pang-aasar yun. " hirit pa ng ama.

"Teka, napatikim mo na ba si Samantha ng luto mong sinigang anak?" Pag-iiba nito.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon