"Kumusta naman si Santi? How's he holding up?" Tanong ni Marie kay Samantha isang araw nang dumalaw ito sa kanilang bahay.
Hindi na kasi niya alam ang gagawin sa anak na ilang araw na ring ayaw pumasok at walang ganang kumain simula nung umalis si Lloyd sa school ng mga ito. Nag-aalala na rin siya dahil umiiyak pa rin ito lalo na sa gabi kapag naalala na naman nito si Lloyd.
"Hayun, nagmumukmok sa kwarto. Ayaw kumain. Ayaw maglaro. Ayaw ding pumasok. Ang gusto lang ay titigan yung laruan na binigay sa kanya ni Lloyd. Ewan ko ba girl. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Santi. Natatakot ako na sa ginagawa niya ay magkasakit na naman siya. "
"Kinausap mo na ba siya?"
"Palagi ko naman kinakausap si Santi. "
"No. I mean si Lloyd. Nakausap mo na ba siya? You should ask him bakit siya umalis nang walang paalam? Kung nasaan ba siya at ano na bang nangyari sa kanya? Maybe kapag narinig ni Santi ang voice niya at makausap niya ito ay tumigil na sa kangangawa ang anak mo. "
"I-I don't think that's a good idea. "
"Why not? Wait a minute. Girl, kayo ba ni Lloyd ay may problema? Huh? Kasi imposible namang aalis siya nang hindi nagpapaalam sa inyo knowing how much he was very close to you. The last time I saw him was sa bar opening ni Eric. You were drunk that night. " biglang napakunot-noo si Marie sa naisip.
"Don't tell me...did he do something stupid to you that night?"
"Hindi! I mean wala siyang ginawang masama sa akin okay? " paglilinaw ni Samantha.
"Okay. " tila nakahinga naman ng maluwag si Marie. "Then what could be the reason?"
"I don't know. "
"Call him. "
"What?"
"I said call him. Kesa naman pareho lang tayong nagtatanungan dito sa totoo niyang dahilan eh pareho lang naman tayong walang alam. At least magiging malinaw sa atin ang dahilan niya sa kanyang pag-alis. "
"Why me? Why not you?"
"Why not me? Duh? Kaninong anak po kaya ang affected ngayon sa pag-alis niya? Di ba? And besides, I tried to call him so many times kaso out of reach ang kanyang phone. "
"Yun na nga eh. Kasasabi mo lang, out of reach di ba? Malamang kahit tawagan ko rin siya hindi ko pa rin siya makokontak. "
"At least you tried. " nag-rolled eyes pa si Marie kay Samantha. "Ay naku girl. Paminsan-minsan ibaba mo naman yang pride mo. Kasi hindi na lang naman ikaw ang nakasalalay dito eh. Pati si Santi naaapektuhan na. Kaya kung anuman yang issue niyo ni Lloyd na naging reason ng pag-alis niya, mas mabuti pang pag-usapan niyo at i-set aside mo muna yang pride mo. Kasi naniniwala ako na may issue kayo. And this time ikaw naman ang maunang lumapit sa kanya. Hindi naman yun makakabawas sa pagkatao mo kung ikaw ang unang kakausap kay Lloyd eh. Besides sa dami ng mga ginawa niya para sa inyo especially kay Santi, siguro naman sapat na iyung dahilan para ikaw na ang makipag-ayos?"
"What? Makipag-ayos?" Napatawa si Samantha. "Girl wala nga kaming issue ni Lloyd. "
"I know you girl. Ikaw ang tipo ng tao na kapag napapalapit ng husto sa ibang tao ay ikaw na rin ang gumagawa ng way para layuan ka nila. Means, tinataboy mo sila because you're afraid na one day ay iwanan ka rin nila gaya ng ginawa sa inyo ng iyong Papa. "
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)