Part 31

226 5 0
                                    

"Kuya Samuel. "

Laking gulat ni Samantha nang datnan niya sa ospital ang nakatatandang kapatid. This time ay mag isa lang ito.

"Tol. " niyakap siya ng kanyang kuya.

Nabigla si Samantha. Hindi siya sanay na kinakausap na siya ng Kuya niya.

"S-Salamat dumalaw ka. "

Nginitian siya ni Samuel. Pagkuwa'y pinisil nito ang kanyang pisngi.

"Aray. Ang sakit nun ha!" Mahina niya itong hinampas sa braso.

Natawa naman si Samuel sa ekspresyon niya.

"Na-miss kong kurutin ka sa pisngi. " anito.

Natigilan naman si Samantha. Unti-unting nagbalong ang kanyang mga luha.

"Kuya..."

"Hep, walang iiyak. Sige ka. Papanget ka. "

Napatawa si Samantha habang naluluha. Ganun na ganun kasi noon ang kanyang Kuya Samuel niya noong mga bata pa sila at nilalambing siya.

"Sorry ha? Kahit hindi ka nagsasalita alam kong nasaktan kita sa bigla kong pagbabago ng pakikitungo sayo. "

Pinigilan ni Samantha ang sarili na mapaluha. Ayaw na niya sanang umiyak. Pero hindi niya maiwasan lalo pa nga't sa kabila ng hindi magagandang pangyayari sa buhay niya ngayon ay unti-unti naman ng naaayos ang pamilya nila na dati ng nasira.

"Okay lang yun. Kalimutan na natin yun. " pinilit niyang ngumiti. Hindi lang niya masabi sa Kuya niya kung gaano siya kasaya na nagkakaayos na sila.

"Wala eh. Pinangunahan ako ng galit. Pero after kong malaman na nagkausap na kayo ni Papa, naisip ko na kalimutan na rin ang mga nangyari. Tapos naman na yun eh. Kahit anong gawin natin hindi na natin iyun maibabalik pa. Ang importante ngayon ay buuin natin uli ang ating pamilya. Ikaw, ako, si Mama at si Papa. "

Tumango si Samantha.

"Salamat Kuya. Salamat talaga. "

Muli silang nagyakap na dalawa.

Naghiwalay lang sila nang dumating ang kanyang Mama kasama ang kanilang Papa at si Santino.

"Mommy!"

"Baby!"

Agad na niyakap ni Samantha ang anak.

"Okay ka na?" Tanong niya dito. Sinipat niya ang buong katawan ng anak. Maliit na bandage na lang ang meron ito sa noo.

"Yup I'm okay na sabi ng doctor. Sinaman ako nina Lolo at Lola dun sa isa pang doctor tapos kinausap lang ako ng kinausap. "

Nag-angat ng tingin si Samantha sa kanyang Mama at Papa na noon ay nakangiti din habang pinakikinggan si Santino.

"Ano naman ang sabi ng doctor sayo?" Aniya na ang tinutukoy ay ang psychologist na siyang nagka-counsel sa anak.

"Hmm nothing much. Pinagkwento niya lang ako tungkol sa mga favorite games ko. "

"Talaga?"

"Yup. And she gave me these chocolates. "

Ipinakita ni Santino ang tatlong magkakaibang chocolates.

Napangiti si Samantha. Niyakap niyang muli ang anak. Nagpapasalamat siya na okay na si Santino. Ang tanging hiling na lamang niya ay ang magkaroon ng donor si Mark. Kung pwede nga lang na siya na ang mag-donate ay ginawa na niya. Pero hindi rin daw kasi sila compatible ng asawa. Isa pa ay tinanggihan siya ng doktor. Ang sabi nito sa kanya ay tatanggapin lang daw nila ang isang donor kung may taning na ang buhay nito lalo pa't malaki ang kapalit ng mawawala dito kung sakali.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon