Part 13

171 2 0
                                    

"Heto na pala siya eh. "

Napatingin si Samantha sa tinutukoy ng Mama Remedios niya. Nakita niya si Lloyd na humahangos habang malalaki ang mga hakbang upang makalapit agad sa kanilang kinatatayuan.

Nasa labas sila ng Word Of Hope Family Christian Church para magsimba. Sa dami ng mga pinagdaanan ni Samantha noong mga nakaraang araw kabilang na ang pagkakasakit ni Santino ay agad silang nagsimba pagsapit ng araw ng Linggo. Naisipan niyang yayain din si Lloyd na hindi naman nagdalawang-isip na sumama.

Heto nga at kadarating lang nito suot ang isa sa mga pormal nitong damit. Hindi tuloy naiwasan ni Samantha ang mamangha sa lalaki. Alam niyang gwapo si Lloyd pero lagi pa rin siya nitong napapahanga sa tuwina.

"I'm sorry. I'm late. " nahihiya nitong wika sa kanila nang makalapit ito. "Hello po. " binati pa nito ang Mama ni Samantha.

"Mabuti naman nakarating ka. " nakangiting wika ni Remedios kay Lloyd. "Oh paano? Sumunod na lang kayo ha? Tara na Santi. Mauna na tayo sa loob. "

Humalik muna at yumakap si Santino kay Lloyd bago ito sumama sa lola papasok sa simbahan.

Naiwan muna sina Samantha at Lloyd sa labas.

"L-Late na ba tayo?" Tanong pa nito kay Samantha. Nakangiting umiling si Samantha.

"Hindi pa. Ten thirty naman ang start ng mass eh. May twenty minutes ka pa para makapag-relax. "

Inabutan ni Samantha ng tissue si Lloyd saka iminuwestra ang pinagpapawisang gilid ng mukha nito at noo.

Natatawa namang tinanggap iyun ni Lloyd saka pinunasan ang pawis. Magkasabay silang pumasok sa simbahan.

Katabi ni Samantha sa kanyang kanan ang kanyang Mama habang sa kaliwa naman niya ay si Santino na pinagitnaan nila ni Lloyd. Tahimik silang nakikinig sa topic ng Pastor na si Dr. Sobrepeña habang si Santino ay abala sa paglalaro sa PSP nito na naka-mute upang hindi makaabala sa mga nagsisimba.

Napakaraming tumatakbo sa isip ni Samantha. Napakarami niyang ipinapanalangin sa kanyang isipan. Tulad na lang ng kaligtasan ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Pasasalamat sa magagandang bagay na nangyayari at dumarating sa kanya tulad na lang ng unti-unting pagkilala sa kanyang munting negosyo at higit sa lahat ay ang paggaling ni Santino mula sa sakit nito kamakailan.

Hiniling din niya na patnubayan siya at bigyan ng malinaw na kaisipan upang masulosyunan niya ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isip lalo na sa kanyang puso.

Sinulyapan niya si Lloyd na noon ay tahimik lang na nakikinig sa Pastor. Malaya niyang napagmasdan ang nakatagilid nitong mukha. Ang maitim at may katamtamang kapal nitong kilay, ang mapangusap nitong mata, ang matangos nitong ilong at ang labi nitong hindi nakakasawang titigan lalo na kapag nakangiti o nakatawa. Pinagmasdan din niya ang kayumangging balat nito. Ang kulay nitong hinahangaan niya at nakapagdadagdag ng kakaibang appeal at macho look ni Lloyd.

Ang natatangi nitong kulay na dulot ng pagbibilad nito sa mga beach na pinupuntahan.

Naisip niya, ano kayang ipinapanalangin ni Lloyd ng mga sandaling iyun? Kasama kaya si Santino sa prayer nito? Kasama rin kaya siya?

Napangiti si Samantha sa sarili. Bakit niya ba iniisip ang bagay na iyun? Bakit naman siya nito isasama sa panalangin?

Muli siyang humarap sa entablado kung saan nakatayo ang Pastor. Inisip niya na kahit hindi siya kasama sa mga dasal ni Lloyd, sa kanya ay palagi itong laman ng bawat panalangin.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon