Pagkatapos pahiran ni Samantha ng lipgloss ang kanyang mga labi ay muli niyang pinagmasdan ang sarili sa harapan ng salamin.
Nakasuot siya ng kulay pink na may three fourth sleeves at kulay itim namang skinny jeans nang araw na iyun. Iyun ang unang beses niyang magsuot ng pantalon kasama si Lloyd. May lakad sila nina Michelle at Marie kasama ang lalaki sa Divisoria kung saan mamimili sila ng ibang mga kakailanganin para sa nalalapit na kaarawan ni Santino.
At dahil mainit at maraming tao doon lalo na sa bandang hapon ay hindi na isinama ni Samantha ang anak. Iniwan niya ito kasama ng kanyang Mama at pinangakuan na lang niya ito ng pasalubong.
"Samantha andito na si Lloyd. " wika ng kanyang Mama mula sa labas ng pinto ng silid.
"Sige po Ma. Bababa na rin po ako. "
Aniya.Kinuha niya ang bote ng kanyang pabango at saka nagwisik ng kaunti sa kanyang pulso at leeg. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang sarili. At nang ma-satisfy siya sa kanyang anyo ay bumuntong hininga muna siya bago tuluyang lumabas ng silid.
Pagkakita niya kay Lloyd sa sala ay biglang natigilan si Samantha.
Naka-kulay pink din kasing V-neck T-Shirt si Lloyd at itim na maong pants. Maski nga ito ay nagulat nang makita siya.
"Oh? Kayo bang dalawa eh nag-usap?" Patay-malisyang tanong ng Mama niya sa kanila habang palipat-lipat ito sa kanila ng tingin.
"Hindi po. " chorus nilang sagot.
"Ahm, magpapalit na lang siguro muna ako?" Ani Samantha kay Lloyd na tila nahihiya.
"Ano ka ba naman Sam? Tatanghaliin na kayo ng dating sa Divisoria niyan. Isa pa baka andun na sina Michelle at Marie. Huwag ka ng magpalit. Eh ano kung terno kayo nitong si Lloyd? Mabuti nga iyun ng madali kayong mahanap sakaling mawala ang isa sa inyong dalawa. "
Nahimigan ni Samantha ang halong pagbibiro ng Mama niya sa kanila. Mabuti na lamang at pumasok na ito sa kusina kaya hindi na siya lalong nailang kay Lloyd.
"So?" Itinaas ni Lloyd ang dalawa nitong kilay na parang naghihintay sa kanyang desisyon.
Kung aalis na ba sila o magbibihis pa siya.
Pinili niya ang una tutal ay naisip niyang tama rin naman ang kanyang Mama.
"Tara. Baka kanina pa nandun yung dalawa. " tukoy niya sa dalawang kaibigan.
Nagpaalam lang sila sandali kay Santino pagkatapos ay umalis na rin sila.
"Siya nga pala, bagay sayo. " hindi napigilan ni Samantha ang sarili na purihin si Lloyd patungkol sa suot nitong T-Shirt. Hindi iyun ang maituturing niyang best dress ni Lloyd pero dahil ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakasuot ng kulay pink na na binagayan naman nito, kung kaya ay hindi niya maitago sa sarili na purihin ang lalaki.
Bagay naman talaga kay Lloyd kahit na moreno ito. Sakto lang ang hapit ng damit sa very well built nitong pangangatawan.
Napatawa si Lloyd, parang nahihiya na nagkamot ng braso.
"Salamat ha. Totoo ba yan?"
"Mukha ba akong nagsisinungaling?" Nakangiting tanong naman ni Samantha.
"Hindi naman. Hindi lang ako sanay. " pagbibiro ni Lloyd.
"Hayaan mo. First and last na iyun. "
"Ganun? Grabe naman. " anitong nakatawa. "Pero salamat. Actually bagay din sayo ang suot mo. You looked younger. "
"You mean mukha akong matanda dati?"
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)