Part 18

154 4 0
                                    

"Mabuti naman gising ka na. "

Bumungad kay Samantha ang mukha ng kanyang Mama nang siya ay magising. Iginala niya ang kanyang paningin kung nasaan siya. Nasa kanyang silid siya. Sinubukan niyang bumangon subalit agad din siyang bumalik sa pagkakahiga nang makaramdam ng matinding pagkirot sa kanyang ulo.

"Lasing na lasing ka kagabi nung ihatid ka dito ni Lloyd. Siya na nga ang nagbuhat sa iyo papunta dito dahil hindi naman kita kayang buhatin. "

Natigilan si Samantha pagkabanggit ng kanyang Mama sa pangalan ni Lloyd. Pilit niyang inalala ang mga nangyari nung nagdaang gabi. Pero wala siyang masyadong maalala.

"Bakit ka ba naglasing? Hindi ka naman sanay uminom ah. May problema ba? Nagkausap na ba kayo ni Lloyd?"

Hindi kumibo si Samantha. Ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Ayaw niya munang pag-usapan ang tungkol kay Lloyd.

Ayaw niya muna ng makakausap. Gusto niya munang mapag-isa.

"Siya, sige. Maiwan muna kita para makapagpahinga ka at mawala yang hang over mo. Dinalhan na rin kita ng kape. Inumin mo na habang mainit pa. Andyan na rin ang biogesic para mawala yang sakit ng ulo mo. Pupuntahan ko lang muna si Santi sa baba ha. "

Marahan lang na tumango si Samantha habang nakapikit pa rin. Tumayo na rin ang kanyang ina mula sa gilid ng kanyang kama.

Pagkarinig niya sa nagsarang pinto ay muli siyang dumilat. Pinilit niyang bumangon at sumandal sa headboard ng higaan kahit pa nga kumikirot pa ang kanyang ulo at nakadama ng matinding pagkahilo.

Sinulyapan niya ang umuusok pang kape sa katabing mesa maging ang isang tablet ng gamot. Agad niyang binuksan ang tabletas at ininom iyun kasunod ng kape. Hiling lang niya na sana ay mabilis iyung umepekto upang mawala na ang kanyang nararamdaman. Tinapunan niya rin ng tingin ang wall clock na nakasabit sa pader. Pasado alas-diyes na ng umaga. Noon lang niya naalala na araw pala ng Linggo. Dapat ay nasa simbahan na sila para sa misa subalit dahil sa paglalasing niya kagabi ay hindi na niya naisip na makakaapekto iyun sa kanya ngayong araw.

Napabuntong hininga si Samantha saka muling napapikit habang marahang hinihilot-hilot ang kanyang sentido.

Ano ba ang nangyari kagabi? She asked herself. Wala siyang masyadong maalala maliban sa huling eksena nila ni Lloyd. Tumalikod na ito sa kanya at humakbang palayo habang siya ay umiiyak na nakaluhod.

Then that's it. Nag-blurred na ang kanyang paningin at memory.

Kung ganun ay binalikan siya ni Lloyd nang mawalan siya nang malay?

May pinong kurot siyang naramdaman sa kanyang dibdib nang unti-unti ay manumbalik sa kanyang alaala ang nangyari kagabi. Ang naging pag-uusap nila ni Lloyd na humantong sa madamdamin nitong pagtatapat sa kanya ng pag-ibig at pamamaalam.

"...one day I found myself na hindi na kita gusto. Mahal na kita Samantha. Mahal na mahal. ..." Naalala niyang wika ni Lloyd sa kanya habang ito din ay lumuluha.

Mahal siya ni Lloyd.

Parang hindi pa siya makapaniwala sa mga nalaman niya kagabi. Parang...para siyang nasa alapaap sa kaalamang, all this time ay pareho rin pala sila ng nararamdaman. Gusto niyang magsaya. Gusto niyang magdiwang. Dahil ang mga salitang iyun ay naghahatid sa kanya ng kakaibang pakiramdam...ibang-iba kapag sinasabi iyun ni Mark sa kanya.

Unti-unting nilukob ng kalungkutan ang puso ni Samantha nang sumagi sa isipan ang asawa. Naisip niya ang dahilan ng kanilang pag-uusap ni Lloyd. Iyun ay ang kagustuhan niyang linawin dito ang kanyang estado na may asawa na siya at kailangan na siya nitong layuan. Ang akala niya ay mas mapapadali ang kanilang paghihiwalay kapag nasabi na niya ang mga gusto niyang sabihin. Pero sa halip ay parang mas lalo pang naging komplikado nang amining mahal din siya nito. Parang mas mabuti pa sanang hindi na lang niya nalaman iyun dahil lalo lamang siyang nasasaktan.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon