Is disappearing without a heads-up difficult to bear with? Or waiting for the final goodbye is the hardest?
Alin man sa dalawa ay alam ni Samantha na hindi magiging madali para sa kanya ang katotohanang sooner or later ay kailangan na nilang magpaalam ni Lloyd sa isa't isa. But it makes her love him more because every moment that they were together could be their last. And that makes every moment precious.
At iyun lang ang mahalaga kay Samantha. Ang makasama at sulitin ang mga araw niya with Lloyd. Kaya sa bawat araw na lumipas ay pinipilit nilang maging masaya, maging normal gaya dati. Kahit pa nga may times na pareho silang natatahimik ni Lloyd. Maybe kapag sumasagi sa isip nila ang nalalapit na pagdating ni Mark.
Of course kung siya ang tatanungin, gusto pa rin niyang gawin ang una na niyang plano - ang aminin kay Mark ang totoo at makipaghiwalay dito. But then naisip niya kung paano magmakaawa si Lloyd sa kanya na huwag gawin ang bagay na iyun. Honestly hindi niya pa rin maintindihan kung bakit tutol si Lloyd gayung nagmamahalan naman sila. At some point ay nasasaktan pa rin siya na parang...parang hindi siya nito ipinaglaban. Pero pilit niya itong inuunawaan. At dahil doon ay mas lalo lamang niya itong minamahal dahil hindi talaga katulad ng iba si Lloyd. Hindi ito makasarili. Kahit na nasasaktan din ito ay mas pinipili na lang nitong masaktan kaysa ang makasakit ng iba. Pinipili nito ang magparaya.
She hoped that someday ay matagpuan din ni Samantha ang tanggapin iyun sa kanyang sarili. Na sana ay matutunan din niya ang magparaya - palayain ang kaisa-isa at kauna-unahang lalaking minahal niya at nagmahal sa kanya ng ganun katindi.
She knows that she would never love that way again. Never. Maghiwalay man sila ni Lloyd ngayon, alam niya sa sarili niya na mananatili ito sa puso niya habambuhay.
So as the days rolled fast, she knows that their time together was running out...
***
"Bye. I love you. I miss you. "
"Sam let's go!"
Ibinaba na ni Samantha ang kanyang cellphone matapos makausap si Lloyd. Pangatlong araw na nilang hindi nagkikita ni Lloyd matapos itong magpaalam sa kanya na may aasikasuhin lang sa Laguna. Isang linggo itong mamamalagi doon. Ibig sabihin, isang linggo din ang masasayang sa mga huling araw na dapat ay magkasama sila.
At para hindi siya masyadong malungkot ay heto, nagkayayaan silang magkakaibigan na manood sa sinehan. Funny cause ang napili pa nilang panoorin ay ang movie nina Anne Curtis, Derek Ramsey at Christine Reyes na No Other Woman.
Kapag nagkataon nga naman...oo kinakabahan siya sa kanyang masasaksihan. Handa nga ba siyang panoorin ang isang pelikula na sumasalamin sa istorya ng buhay niya? Will it be a happy ending? May happy ending ba sa mga affair na tulad ng sa kanila?
Hindi niya alam...
Nilapitan niya sina Marie at Michelle na naghihintay sa entrance ng cinema. Iniabot ng mga ito ang ticket niya maging ang pop corn at bottled water na una na nilang binili bago siya tinawagan ni Lloyd.
***
"Oh my G! That was a great movie!"Nakalabas na sila ng sinehan ngunit wala sa kanila ni Michelle ang kumikibo. Si Marie ang hindi maka-get over sa napanood at kahit na panay ang punas ng luha dahil sa goosebumps na itinakbo ng kwento ay nagagawa pa nito ang tumawa, ngumiti at magbiro.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)