Part 30

209 5 0
                                    

"Girl, pakibilisan naman oh. Baka hindi natin sila maabutan. " hindi mapakali si Samantha sa kanyang upuan. Nag-aalala siya sa kanyang mag-ama lalo na kay Santino. Dina-dial niya rin ang number ni Mark pero hindi nito sinasagot ang kanyang cellphone.

"Girl relax okay? Mas maaaksidente tayo sa ginagawa mo eh. " natataranta na ring wika ni Michelle kay Samantha. Nakatuon lang ang paningin nito sa harap ng manibela.

Dinagdagan ni Michelle ang speed ng sasakyan.

Madilim pa rin ng mga oras na iyun. At dahil maaga pa ay walang sasakyan sa kalsada. Natitiyak nilang maaabutan nila sina Mark.

"Mark answer your phone. " mahinang sambit ni Samantha habang patuloy na tinatawagan ang asawa.

Unti-unti lang bumagal ang kanilang sasakyan nang harangin sila ng isang lalaki na may hawak na flashlight.

"Manong bakit po? Ano pong problema?" Tanong ni Michelle dito nang lapitan sila ng lalaki.

"Naku Miss, hindi ho kayo makakadaan. "

"Bakit ho?"

"May naaksidenteng sasakyan eh"

Nabitawan ni Samantha ang hawak niyang cellphone. Napatingin siya sa contact photo ni Mark sa screen habang patuloy lang itong nagda-dial.

"Anong aksidente po?" Si Michelle pa rin.

Hindi na hinintay pa ni Samantha na ang isasagot ng lalaki. Agad siyang umibis ng sasakyan at patakbong tinungo ang mga taong nagkukumpulan sa dalawang sasakyang nagbanggaan.

"Mark..." Sambit niya.

Ang Montero na sinasakyan nina Mark at Santino ay halos mayupi na sa unahan matapos itong bumangga sa isang malaking delivery truck ng soft drinks. Basag ang buong salamin ng sasakyan sa harapan.

"Mark..." Natigalgal pa rin siya. Muling nagbalong ang kanyang mga luha. Hindi niya maikilos ang kanyang mga paa para lapitan ang sasakyan. Pakiramdam niya ay huminto ang pagpintig ng kanyang puso sa kanyang nasaksihan.

"Hindi...hindi..." Napailing siya.

"Tabi! Tabi kayo dyan! Andito na yung ambulansya!" Sigaw ng isa pang lalaki sa mga taong nakikiusyuso.

Naramdaman ni Samantha ang pagkapit ni Michelle sa kanya.

"May bata sa loob! Unahin ninyo ang bata!"

Napapitlag si Samantha.

"Santi!" Patakbo niyang nilapitan ang mga medical team na nagbaba kay Santino mula sa likuran ng sasakyan. Walang malay si Santino at may maliit na galos itong tinamo sa noo.

"Santi! Santi!" Napaiyak si Samantha.

"Miss kailangan po naming madala agad sa ospital ang mga pasyente. "

"Anak ko siya!"

"Girl, he'll be okay. Susunod tayo agad sa kanila sa ospital. Please calm down. " ani Michelle kay Samantha.

Walang nagawa si Samantha kundi ang ihatid ng tingin ang anak na nakahiga sa stretcher at ipasok sa loob ng ambulansya.

Maya-maya ay si Mark naman ang pinagtulungang ilabas ng mga ito mula sa sasakyan.

Lalong nag-alala si Samantha dahil natagalan ang mga ito na mailabas si Mark. Gusto na niyang himatayin sa labis na nerbyos.

What if something bad happened to him? Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon