"Wow! Beach! Beach! Beach!"
Agad na bumitaw si Santino sa kamay ni Samantha at saka tuwang-tuwa na nagtatatakbo sa buhanginan pagkababa pa lang nila ng sasakyan.
"Baby careful!" Malakas na wika ni Samantha kay Santino.
"Mukhang excited si Santi sa beach ah. " nakatawang wika ni Mark sa kanya.
Nauna nang naglakad si Mark upang magtungo sa inn na kanilang tutuluyan dala ang kanilang mga bagahe. Ang kanyang Mama naman ay sinundan si Santino at saka ito kinarga at sumunod kay Mark.
Napabagal sa paglalakad si Samantha. Lalo na nang mapatingin siya sa dagat at sa papalubog na ring araw sa kanluran.
It's been what? Eight months? Eight months na rin ang nakalipas mula nang una siyang makatapak sa lugar na ito.
Lugar kung saan niya nakilala si Lloyd.
Hindi niya alam kung bakit sa dinami-dami ng beach resort ay dito pa sa Tondol Beach naisipan ni Mark na mag-Pasko. Alam naman niyang tinanong nito si Lloyd kung saang beach ba ang magandang puntahan. At nang sinabi ni Lloyd dito ang tungkol sa Tondol ay hindi na nag-dalawang isip pa si Mark na dito nga sila mag-celebrate ng Christmas.
Kung si Samantha ang tatanungin ay ayaw sana niya. Ayaw niyang mahaluan ng ibang alaala ang pinaka-espesyal na lugar sa puso niya. Dahil gusto niya na i-preserve ang lugar na ito para lang sa kanila ni Lloyd. Gusto niya na tanging si Lloyd lang ang maaalala niya sakaling mapadpad siyang muli dito.
Pero wala na siyang magawa. Ayaw naman niyang bigyan pa ni Mark ng ibang dahilan kung sakaling tumanggi siya. Kaya heto, hindi niya maiwasang maalala na naman si Lloyd lalo pa't maraming masasayang alaala din silang pinagsamahan sa mismong lugar.
Hindi ganun karami ang tao unlike last summer. Although may ilang mga pamilya at grupo ng kabataan din ang natatanaw niyang nagkakasiyahan. Mga nagsi-celebrate marahil ng reunion.
Reunion.
Gaya nila ni Mark.
Hindi maiwasan ni Samantha ang malungkot lalo na nang maalala ang naging pag-uusap nila ng kanyang Mama kamakailan lang.
Ayokong magsisi ka anak. Ayokong matulad ka sa akin.
Napakunot-noo si Samantha. What does she mean? Hindi ba dapat ay ang Papa niya ang magsisi sa pag-iwan nito noon sa kanila? Ngayon lang niya na-realized ang sinabi ng kanyang Mama. Hindi niya kasi gaanong iniintindi ang mga sinabi nito nang araw na iyun dahil sa ang isipan niya ay na kay Lloyd.
Si Lloyd, darating kaya siya?
Ang tanging sabi lang ni Marie kay Mark kaninang nasa byahe sila ay on the way na rin sila ni Mitch. Hindi niya alam kung kasama ba nila si Lloyd.
Oo, sinabi niya rito na huwag nang sumama. Dahil natatakot siya. Pero some part of her ay dinadasal niya na sana ay sumama pa rin si Lloyd sa kanila. Gusto niya rin itong makasama.
For the last time.
Naglakad-lakad si Samantha sa gilid ng dagat habang ang kanyang mahabang buhok ay banayad na hinihipan ng hangin. Hangin na dati ay kay init sa pakiramdam subalit ngayon ay kaylamig na.
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)