Siguro nga ay mali ang magmahal ng iba lalo na kung may asawa't anak ka na. Pero para kay Samantha iyun lang ang tamang nagawa niya para sa sarili niya. Minsan lang siyang gumawa ng desisyon na hindi niya iniisip ang iba. Minsan lang siya magpapakatotoo sa kanyang sarili. Minsan lang naman siya magkakamali kung sakali. At kung ang minsan na iyun ay katumbas naman ng walang pagsidlan na saya, then hindi niya ito pagsisisihan kahit na kailan.
Sabi nga nila : Always tell someone how you feel, because opportunities are lost in the blink of an eye but regret can last a lifetime.
"Anong iniisip mo?" Untag ni Lloyd kay Samantha.
Nasa apartment na sila ni Lloyd at magkatapat na nakaupo sa harap ng mesa habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Nasa mesa ang dalawang tasa ng kape na kanina pa tinimpla ni Lloyd para sa kanila.
Tipid na ngumiti si Samantha.
"Iniisip ko lang kung ano bang mangyayari. Paano kung...paano tayo? I mean now that we knew our feelings for each other, ano na? What's our plans? What will happen next? Naguguluhan pa rin ako Lloyd. Mahal kita pero hindi ko kayang iwan si Mark. Hindi ko siya kayang saktan lalo na't may anak kami. Ayoko namang lumaki si Santi ng hindi buo ang pamilya. Pero ayoko ding mawala ka. "
"Alam ko. " malungkot na ngumiti si Lloyd. "Naiintindihan ko naman eh. Sa simula pa lang naman na nalaman kong may nararamdaman na ako para sayo ay naisip kong hindi magiging madali ang lahat.
Wala namang kailangang magbago eh. Hindi mo rin naman kailangang pumili. Hindi ko hihingin sayo na iwanan mo si Mark dahil kahit ako ayokong lumaki sa broken family si Santi."
"Pero..."
"Samantha, alam ko naguguluhan ka rin gaya ko. Pero walang dapat magbago. May pamilya ka at hindi mo sila iiwan. "
"P-Paano ka? Hindi ba sinabi mong mahal mo ako? Paano tayo?"
Ginagap ni Lloyd ang kanang kamay ni Samantha at dinala iyun sa labi.
"Masaya na akong makasama ka. Pero mas masaya ako nung nalaman kong mahal mo rin ako. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. At ang pinakamakasariling bagay siguro na hihilingin ko sayo ay ang iwanan mo ang asawa mo para sa akin. Pero hindi ko gagawin yun. "
"Lloyd, gustung-gusto din kitang makasama. Hindi mo lang din alam kung gaano ako kasaya kapag kasama ka. "
Nginitian siya ni Lloyd. At lahat ng mga pagdaramdam niya dito sa nakalipas na isang linggo ay tuluyan ng naglaho.
"Sometimes the happiest moment we could only have is to sit next to the ones we love. "
She smiled him back.
"Samantha, what we have right now is something special. You are the most special thing that has ever happened to me. And I want you to be happy..."
"I am happy. " giit niya. Nag-aalala siyang bigla sa posibleng kasunod na sasabihin ni Lloyd.
"I know. Ang ibig ko lang sabihin is gusto ko lang lagi kang masaya. So kapag magkasama tayo ayokong nag-aalala ka o nag-iisip ng tungkol sa atin. Gusto kong isipin mo na wala pa ring nagbago. Kung meron man yun ay ang feelings natin sa isa't isa. Kaya sana kapag magkasama tayo gusto kong sulitin lang natin yung bawat oras, bawat sandali. "
Marahang tumango si Samantha. Nauunawaan niya ang ibig sabihin ni Lloyd. Hindi niya alam kung bakit tila lalong gumaan ang kanyang pakiramdam sa kaalamang bukas si Lloyd sa ganoong set up nila.
Na si Lloyd ay handang maging kabit niya.
Ayaw mang isipin ni Samantha o idikit ang salitang iyun kay Lloyd ay hindi maiwasang maging ganun na nga ito. Ano pa bang ibang tawag sa taong may relasyon sa taong may asawa? Hindi ba kabit?
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)