Part 12

160 2 0
                                    

"I'm sorry girl. Nasa work na kasi ako eh. Hindi ko kayo agad mapupuntahan now. How about Mitch? Natawagan mo na ba siya?" Mahabang wika ni Marie kay Samantha mula sa kabilang linya nang tawagan niya ang kaibigan.

"Oo eh. Kaso hindi rin daw siya makakarating agad. "

Narinig niyang bumuntong-hininga si Marie. At kahit na hindi niya ito nakikita ay alam niyang labis din ang pag-aalala nito sa inaanak.

"Girl take him to the hospital na. Then tawagan mo kami para malaman namin saang hospital kayo. Okay? Basta just relax. Magiging okay din si Santi. "

At kahit na hindi rin siya nakikita ni Marie ay marahang tumango si Samantha. Ibinaba na rin niya ang cellphone matapos silang mag-usap na magkaibigan.

Agad niyang nilapitan ang anak na umiiyak habang nakahiga at nakakumot. Muli niyang dinama ang noo nito. Ganoon pa rin, sobrang taas pa rin ng lagnat ni Santino. Nagkataon pa naman na umuwi muna sa Cavite ang kanyang Mama dahil nagkaroon ng emergency kaya wala siyang kasama sa bahay at walang makakasama para madala ang anak sa ospital.

Narinig niyang nag-ring muli ang kanyang cellphone.

Si Lloyd.

Kaagad niyang sinagot ang tawag nito at nagmamadaling bumaba sa sala nang malamang nasa labas ng gate ang lalaki.

"Lloyd!" Magkahalong relief at pag-aalala ang nasa mukha ni Samantha nang pagbuksan niya ng gate si Lloyd.

"Samantha? Ano'ng nangyari? Bakit parang namumutla ka?" Nag-aalalang tanong ni Lloyd sa kanya.

"Si Santi..."

"Ano'ng nangyari kay Santi?"

Ginagap ni Lloyd ang nanginginig niyang mga kamay. Hanggang sa tuluyan na siyang mapaluha na kanina pa niya pinipigilan.

Kasunod niya si Lloyd nang pumanhik sila sa kanilang silid. At nang makita nito ang batang umiiyak ay agad itong dinaluhan ng lalaki.

"Li'l man. You okay?" Ginagap ni Lloyd ang isang kamay ni Santino habang ang isang kamay ay humahaplos sa buhok nito.

"S-Superman?" Kahit na nanginginig ang buong katawan ay pinilit pa ring idilat ni Santino ang mga mata upang makita si Lloyd.

"Ako nga. " madamdaming wika ni Lloyd at saka malungkot na nginitian ang bata. Pinigilan niya si Santino nang aktong babangon ito sa higaan.

"Shh. Don't move. Makakasama sayo. "

"I'm not feeling well. " nagsimula na namang umiyak si Santino.

"I know. Kaya nga pupunta tayo sa hospital ngayon para magamot ka. Okay?"

"But I hate hospitals. "

Natutop ni Samantha ang sariling bibig upang hindi mapahagulgol ng iyak. Iyun ang dahilan kung bakit hindi rin niya madala sa ospital si Santino dahil may phobia ito sa ospital noong nagkasakit din ito at tinurukan ito ng malaking injection.

"Natatakot ka ba sa mga doktor?"

Tumango si Santino.

"Hindi mo kailangang matakot. Sasamahan ka ni Superman. Ako ang bahala sayo. Okay? Hindi kita iiwan. "

"Promise?"

Natigilan si Lloyd. Sabay napatitig kay Samantha. Naalala din ni Samantha ang usapan nila noon na huwag na huwag mangangako si Lloyd sa bata ng kahit na ano lalo na kung hindi niya ito tutuparin. Ayaw niyang masaktan ang anak. Ayaw niya itong paasahin. Pero sa ngayon ay gusto niyang lumakas ang loob ni Santino para huwag matakot na pumunta sa ospital. Kaya naman marahang tumango si Samantha kay Lloyd.

One Summer DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon