Ang alam ni Samantha ay nananaginip siya. Mula sa mga nakapikit niyang mga mata ay naririnig niya sa di kalayuan ang mga huni ng ibon, ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang amoy ng mga puno at lupa matapos ang pag-ulan. Para siyang nakalutang sa ulap. Kaylamig ng hangin na nanunuot sa buo niyang katawan.
Then suddenly nag-flashed back sa isip niya ang mga naganap sa kanila ni Lloyd.
His kiss. His touch. And the way they made love last night.
Napadilat ng kanyang mga mata si Samantha. Medyo nasilaw pa siya sa liwanag ng araw na tumatagos mula sa siwang ng dingding na yari sa pawid. Matapos maka-adjust ang paningin sa liwanag ay dahan-dahan siyang bumangon mula sa papag. Natagpuan niya ang sariling suot na ang bestida na kagabi lang ay hinubad ni Lloyd sa kanya. Muling nag-init ang kanyang mga pisngi sa alaalang iyun. Hindi siya makapaniwalang naganap ang lahat ng iyun kagabi. She felt something different. Different in a good way. Pakiramdam niya ay ang dami ng nagbago sa kanya makalipas lamang isang gabi. Then slowly ay napangiti siya. Hinanap niya si Lloyd pero wala ito sa loob ng kubo. Ang tanging naroon lang ay ang gasera na naging ilaw nila kagabi. At ang t-shirt ni Lloyd na nakasampay lang sa paanan ng katre.
Tumayo si Samantha at lumabas ng kubo.
Tumambad sa kanya ang tila paraisong tanawin. Kulay asul ang langit na tila walang anumang bahid ng sama ng panahon nang nagdaang gabi. Kulay green na green ang mga puno na halatang na-refreshed din sa naging pag-ulan. Marami nga sa dahon at sanga ng mga ito ang nagkalat sa lupa.
Napatingala si Samantha nang biglang maglipana ang mga ibon na kaybilis ng mga lipad from one tree to another.
If she could have a chance to choose kung saan niya gugustuhing manirahan, marahil ay pipiliin niya ang ganitong lugar. Tahimik, malayo sa anumang gulo, malayo sa sibilisasyon, malayo sa stress, malayo sa lahat. Pero higit sa lahat dito ay malaya siya. Sila ni Lloyd. Tulad ng mga ibon na nakikita niya.
Mula sa kung saan ay nakarinig siya ng kaluskos. Natanaw niya si Lloyd na paparating. May dala itong dalawang buko. Hindi siya nito agad nakita kung kaya ay malaya niya itong pinagmasdan.
Ang maong pants nito ay nakatupi malapit sa tuhod upang hindi marahil sumayad sa putik. Ang waist band ng pantalon nito ay bahagyang nakababa kung kaya ay nakikita na ang garter ng suot nitong brief.
Again, she turned scarlet. Lalo na kapag naaalala niyang siya mismo ang naghubad niyon kagabi kay Lloyd.
"Samantha!"
Napaigtad si Samantha nang makalapit na si Lloyd sa kanya.
"Lloyd. " hindi niya alam kung mahihiya ba siya after nang nangyari sa kanila. Until now ay hindi pa rin siya sanay. Hindi niya pa alam kung paano haharap kay Lloyd after everything they've done.
Nagulat siya ng hawakan ni Lloyd ang kanyang baba at halikan siya nito sa labi.
"Good morning. "
Napangiti si Samantha.
"Good morning. " ganti niyang bati dito. Hanggang kailan ba bago siya masanay sa ganito? Si Lloyd at siya, masaya lang na magkasama. Parang normal lang na magkasintahan. Walang anumang iniisip na problema.
"Saan ka galing? Ang aga mo yatang nagising?" Tanong niya.
"Naghanap ako ng makakain natin. Kaso ito lang ang nakita ko eh. " itinaas nito ang dalang mga buko. "Sorry ha iniwan kitang mag-isa. Natakot ka ba? Akala ko kasi makakabalik ako agad bago ka magising. "
BINABASA MO ANG
One Summer Day
RomanceEvery summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)