CHAPTER 10

264 10 1
                                    

ANIE’S POV:

 

Nagising ako ng mahulog ako sa kinahihigaan ko, at nagtaka pa ako ng ilibot ko ang paningin ko at makita kong nasa loob na ako ng kwarto namin ni Hannah.

Ang pagkaka-alala ko ay nasa kakahuyan ako kanina kasama si Erin. Pero bakit nandito ako ngayon sa kwarto namin. Hindi pwedeng panaginip lang iyon, dahil alam kong gising ako kanina at totoo na nakita ko si Erin at nakausap ko ito.

Mas lalong lumakas ang kutob ko na hindi iyon panaginip ng mapansin kong naka robe pa ako at madumi ang mga paa ko dahil wala akong sapin sa paa kaninang madaling araw ng hinabol ko si Erin sa kakahuyan.

Agad akong napatayo sa sahig at hinanap si Hannah, pero ako na lang ang nasa loob ng kwartong iyon. At halatang tanghali na dahil tirik na tirik na ang araw na tumatagos sa bintana ng kwarto namin.

Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko agad ang mga boses nila Hannah at Colein sa kwarto ni Erin na nagsisigawan kaya naki-usyoso ako kung bakit sila nagsisigawan sa loob ng kwarto ni Erin na bago sa akin. Kadalasan kasi, kami ni Erin ang laging ganito kaya nakakapagtaka talaga.

Nakabukas ng kaunti ang pintuan sa kwartong iyon kaya nasilip ko agad si Alle na pilit na pumapagitna sa dalawang nagbabangayan.

“Who do you think the guts to do this kind of thing?” maarteng sigaw ni Colein kay Hannah.

“Pinagbibintangan mo ba ako, Colein?” sigaw rin ni Hannah na bago rin sa akin.

Hindi kasi ito sumisigaw, at sa aming grupo ito ang laging mahinahon at laging pumapagitna sa mga nag aaway.

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto at agad na napalingun sa akin sila Colein at Hannah.

“Anong nangyayari dito?” tanong ko. “Ang aga-aga nagsisigawan na kayo.”

“Well, why don’t you ask Hannah kong anong pinag-gagawa niya!” turo ni Colein kay Hannah habang pinagdidiinan ang huli nitong sinabi.

“Hindi nga ako ang may gawa niyan!” protesta pa rin ni Hannah na halatang nagpipigil pa ng galit. “Pagkagising ko ganyan na iyan.”

“Ang ano?” naguguluhan kong tanong sa dalawa.

“That!” nakapamewang na turo ni Colein sa mga gamit ni Erin.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang halos ma-abo na ang mga damit at gamit ni Erin na nagkalat sa sahig na halatang sinunog.

“Sinong may gawa nito?!” hysterical ko ng tanong habang isa-isang dinadampot ang mga sunog na damit ni Erin at umaasang may maisasalba pang kahit isang damit nito.

Nang walang sumagot sa kanilang tatlo ay nilingon ko na sila at inulit ang tanong ko.

“Anie, maniwala ka, hindi ako ang may gawa niyan,” sabi ni Hannah.

Nakita kong umismid naman si Colein sa tabi sabay ang pagtirik ng mata nito sa sinabi ni Hannah.

“Kung hindi kayo ang gumawa nito, sino?” halos maputol na ang ugat ko sa leeg sa pagsigaw. “Impossible namang may iba pang taong gagawa nito.”

“Maniwala ka ate Anie, hindi rin namin alam kong sino ang may gawa niyan.” Singit naman ni Alle na pawisan na dahil sa pag aawat nito kay kila Hannah at Colein.

“Basta ako, I’m sure I’m not the suspect,” sabi naman ni Colein. “Me and Alle sleep and wake up at the same time. How about you Anie, sabay din ba kayong gumising ni Hannah?"

“Bakit ba ako ang pinagdidiinan mong gumawa ng bagay na ito?” nanggigil pa ring tanong ni Hannah kay Colein.

Nakita kong ngumisi naman si Colein dito.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon