CHAPTER 8

247 11 2
                                    

HANNAH’S POV:

 

Takip silim na ng magpasya kaming bumalik sa lumang bahay. At sinalubong agad kami nila Alle at Anie. Pero ng makita ni Anie na hindi namin kasama si Erin ay nagsimula na naman ito sa pag iyak, kaya agad ko itong nilapitan para pakalmahin.

“Anie, huwag kang mawalan ng pag-asa. Makikita din natin si Erin, hindi kami titigil sa paghahanap hanggat hindi namin makita si Erin,” sabi ko dito habang yakap ko ito ng mahigpit.

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin habang nasa harap kami ng hapagkainan dahil hindi pa rin namin makita si Erin.

Maraming pagkaing nakahain sa lamesa, pero lahat kami ay walang laman ang mga plato at nakatulala lang na nakatingin sa mga pagkain.

“I’m sorry, I can’t eat.” Basag ni Anie sa katahimikan at bagsak ang balikat itong tumayo para umakyat sa taas.

“Me too.” Matamlay din segunda ni Alle.

Napabuntong hininga na lang ako at iniurong ko na rin ang wala kong laman na plato.

“Maybe we need to basa nalang ‘yong story.” Ayaw pa ring paawat na pangungulit sa akin ni Colein.

Bigla namang nag ningning ang mata ni Alle ng tumingin ito sa akin dahil sa sinabi ni Colein kaya pinandilatan ko agad ito.

“Ate Hannah, siguro ito na ang tamang oras na malaman din natin kong ano talaga ang kwento ni Scar face.” Pangungulit na rin sa akin ni Alle.

Sa simula, ayaw ko pang pumayag dahil alam kong hindi kyon makakatulong sa amin at pare-parehas lang kaming magtatakutan.

Pero may punto silang dalawa, dahil kahit ako nako-curious din ako sa kwentong iyon. Ayaw ko lang talagang paniwalaan na totoo si Scar face.

Sa huli, tuwang tuwa ang dalawa ng napilit nila ako at ng kunin ko na ang tab ni Erin sa itaas.

Nabungaran kong nakahiga si Anie sa kama at nakapikit ito, pero mukhang hindi naman ito natutulog dahil tumutulo ang mga luha nito.

Pinabayaan ko na lang muna siyang mapag isa, dahil hindi ko na rin alam kong ano pang magandang sabihin para hindi ito masyadong mag-alala kay Erin. Kinuha ko na lang ang tab sa bag ko at lumabas na ako ng kwarto para bumalik sa sala kong saan naghihintay sila Alle at Colein.

Tumabi agad sa akin sila Colein at Alle ng maupo ako sa mahabang sofa habang hawak ang tab ni Erin.

“Anong ginagawa ni ate Anie?” tanong sa akin ni Alle.

“Nakahiga. Pinabayaan ko na lang muna siyang mapag isa,” sagot ko at ibinigay ko sa kanya ang tab para ito na ang magbasa.

“Si Mayhem wraith pala ang author nito.” komento ni Alle ng mabasa nito ang author.

(Kung sino man ang may username na mayhem wraith dito sa wattpad. Hindi ko po intensyon na gayahin ang username niyo. Sadyang iyan lang po talaga ang naisip kong username. At wala pa rin naman akong nakikita na may ganyang username sa ngayon.)

“You know the author?” tanong naman ni Colein kay Alle na naki-usyoso na rin sa pakikibasa.

“Mmmm… not really,” sagot ni Alle at inayos niya pa ang suot niyang salamin sa mata.

Ito ang pinakabata sa grupo namin, pero ito na ang may suot na makapal na salamin sa mata. May braces din ito sa ngipin at sa isang tingin pa lang ay masasabi na talagang isa itong nerd na tao. Pero hindi naging dahilan iyon para hindi namin siya maging close friend.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon