COLEIN’S POV
I make labas all my kikay kit inside of my printed bucket bag and I put it in front of the mirror. I make upo in front of the salamin and I look at my beautiful face.
I’m perfectly sure that I have the prettiest face sa aming magkakaibigan. I am the one who has a fairest and smooth skin, noh! I am also the one who is so tangkad and so sexy sa aming lahat, you know!
But why it’s always Hannah? She’s always make kuha the attention of other. It’s always Hannah who makes the group leader. It’s always Hannah! Hannah! It’s like they can’t live without Hannah!
Ano bang nakita nila kay Hannah na wala sa akin? OMG lang ha! But she’s just like an ordinary girl, wala nga siyang ka-taste-taste sa pananamit at hindi pa siya updated sa mga usong style ng mga gamit. She’s always wearing a T-shirt, jeans and a sneaker, noh. Like, jeez! I wonder if she is really a girl.
Hindi ko pa nga ata nakitang nagsuot iyon ng dress at heels. Kahit make up, hindi ko rin nakitang naka make up ito. I wonder tuloy kong marunong ba iyong maglagay kahit lipstick.
I look again at the mirror.
Goodness heaven! Look at my face naman, oh! Marami ng nabaliw at napaiyak na lalaki ng mukhang ito. Ang chinita kong mata at matangos na ilong, idagdag pa ang kinis at mamula mula kong pisngi kaya lagi akong napagkakamalang koreana.
Perfect na perfect akong maging bida sa mga pelikula. Pero bakit dito sa story na ito extra lang ang beauty ko?! Geez! I can’t take it, talaga!
Para saan pa ang kaputian at kakinisan ng balat ko na kahit sila Kathryn at Julia ay mahihiyang dumikit sa akin. And I’m proud to say na inborn lahat ng ito at hindi ko na kailangan ng mga magic ng isang doctor para maging maputi lang o maging makinis.
Buti nga at nakatagal pa ako sa lugar na ito. It so init kaya here! At wala pang kahit isang aircon or wifi man lang. And the foam of the bed, it’s so tigas. Gosh! I can’t take this anymore na talaga! I really need to make uwi na sa amin.
I don’t want to die sa ganitong ka cheap na lugar. Sayang naman ang beauty ko if I’m going to die here, noh! Even though I’m alone, I’ll make sure na uuwi na talaga ako.
I open my make up kit; I put some cream on my flawless face. I also put some eye shadow on my chinky eyes. Naglagay din ako ng manipis na blush on sa natural ng mamula-mula kong cheeks.
Nang matapos kong ipahid ang red lipstick sa manipis kong lips ay tiningnan ko uli ang mukha ko sa salamin.
“Sheesh! Ganito ba ang itsura ng mamamatay lang? Pag nakita ako ng author na sumulat ng kwentong iyon, for sure na panghihinayangan niyang hindi niya ako ginawang bida.”
Napahawak ako sa harap ng salamin ng biglang kumurap ang ilaw na nasa kesame. Hindi pa naman gabi pero madilim na dito sa loob ng kwarto namin ni Alle dahil isinara ko lahat ng bintana pati na ang makakapal na kurtina.
I don’t want to shout this time. Gusto kong ipakita kay kila Hannah at Alle that I am strong enough to be their leader.
Wala pa ring tigil ang pagpatay-sindi ng ilaw sa kesame. At tuwing sisindi iyon ay may nakikita akong kakaibang repleksyon sa salamin pero hindi ko iyon malinawan dahil agad na namamatay ang ilaw tapos ay sisindi uli.
Pinilit kong sanayin ang mga mata ko sa pagpapatay-sindi ng ilaw kaya unti-unti kong nalinawan ang mga repleksyon na nakikita ko sa salamin, lalo na ng sumindi na ng tuluyuan ang ilaw. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. May kasama na ako sa loob ng kwartong iyon at nasa likod ko sila nakatayo kahit na hindi ko ito lingunin, dahil kitang kita ko sa repleksyon ng salamin.
