CHAPTER 18

246 11 0
                                    

HANNAH’S POV

 

Mainit na sikat ng araw na tumatagos sa munting siwang ng kurtina ang gumising sa akin ng umagang iyon. Awtomatiko kong naiangat ang kaliwa kong kamay para tingnan ang oras sa wrist watch ko. Alas-diyes na pala ng umaga.

Dahan-dahan akong bumabangon sa pagkakahiga sa sofa. Tiningnan ko ang hinihigaan nila Colein at Alle. Nakita kong nakabaluktot pa rin si Alle sa kama na halatang himbing na himbing pa ito sa pagtulog, pero wala na doon si Colein.

Iinat-inat ako na naglakad papuntang banyo. Kumatok ako doon.

“Colein?” tanong ko sa loob ng banyo, dahil naka lock ang pinto noon.

Pinakiramdaman ko ang loob ng banyo ng walang sumagot sa akin. Narinig kong bumukas ang gripo sa loob, kaya nagkibit balikat na lang ako at bumalik sa sofa para hintayin ang paglabas ni Colein sa loob ng banyo.

Pigil ang ihi habang naka upo sa sofa, pinilit ko na lang libangin ang sarili ko sa pagligpit ng hinigaan ko at ng mga ginamit ko kagabi sa pagpunas sa mukha ni Colein.

Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay tumingin uli ako sa nakasarang pinto ng banyo.

‘Ang tagal talagang mag cr ni Colein kahit kelan.’ Iiling-iling kong isip at nagpasya ng lumabas ng kwarto para ibaba ang plangganita at bimpo na ginamit ko kagabi.

Nang makarating akong kusina ay tinapon ko sa lababo ang tubig na nasa plangganita at kinusutan ang bimpo bago ko iyon isinampay. Pagkatapos ay nagmamadali akong pumasok ng banyo na nandito sa kusina at doon ko na inilabas ang kanina ko pa pinipigil sa itaas.

Natigilan ako sa pagtaas ng pantalon ng mapansin ko ang isang kulay itim sa kaliwang hita ko. Kinuskos ko iyon ng mariin sa pagkaka-akalang, isa lang iyon dumi. Nang hindi iyon matanggal ay binasa ko pa iyon ng tubig at kinuskos ng mas madiin, pero wala pa ring epekto.

Lumapit ako sa medyo maliwanag na bahagi ng banyo at sinuri ng mabuti ang kulay itim sa balat ko na kasing laki ng five peso coin. Nang matapat ito sa liwanag at makita ang nag aagaw na kulay ube at itim sa balat ko ay doon lang ako nalinawan.

Baliwala ko ng itinaas ang pantalon ko ng makompermang isa iyong pasa.

Madali talaga akong magkapasa dahil anemic ako kaya hindi na ito bago sa akin. Pero bakit hindi ito masakit tulad ng mga pasa ko dati? At hindi ko pa ito mapapansin kong hindi ko pa siya nakita kanina.

Paglabas ko ng banyo ay umakyat uli ako sa kwarto nila Colein para manghingi ng vitamins dito para sa dugo. Paubos na kasi ang vitamins ko ng pumunta kami dito at balak ko talagang bumili noon pero mukhang hindi uso dito sa lugar na ito ang botika kaya tuluyan na itong naubos. At si Colein lang ang alam kong mahihingian ko ng ganon dahil anemic din ito at parehas kami ng iniinom na vitamins.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong tulog pa rin si Alle at sarado pa rin ang pinto ng banyo.

‘Ibang klase talaga ang babaeng ito kung magbanyo.’

“Colein?” katok ko uli dito, pero hindi pa rin ito sumagot. Hindi ko alam kong hindi niya ba ako narinig dahil sa lakas ng pagbuhos ng tubig na nagmumula sa gripo sa loob ng banyo o talagang ayaw niya lang sumagot.

“Colein, malapit ka na bang  matapos?” tanong ko dito habang kumakatok ng hindi pa rin ito sumagot.

Napatingin ako sa paanan ko ng maramdamang nababasa iyon. Nakita kong may lumalabas ng tubig mula sa maliit na siwang sa ilalim ng pinto ng banyo.

“Hoy, Colein umaapaw na ‘yong tubig. Balak mo bang gawing swimming pool ‘yang banyo?”

“Ate Hannah!”

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon