CHAPTER 23

358 10 6
                                    

Naalimpungatan ako na masakit ang leeg dahil sa sobrang pangangawit nito. Nang idilat ko ang aking mata, unang bumungad sa akin ang dalawa kong paa na nakaapak sa sahig. Kasunod ang dalawa kong kamay na nakapatong sa arm chair ng kahoy na bangko.

Awtomatiko kong nasapo ang aking batok at dahan-dahan ko iyong iginalaw kasabay ng pag ikot rin ng paningin ko sa paligid.

Maalikabok. Maagiw at masikip ang paligid dahil sa mga iba't ibang klaseng laki ng kahon na nakapatong patong. May mga iba't ibang luma at sirang gamit din na nakakalat sa paligid tulad ng lumang tv, mga sirang manika, tokador na may basag na salamin, at mga luma at inaagiw na paintings. Sa isang salita, para itong basement at tambakan ng mga gamit na hindi na ginagamit.

Pero ng mapatingala ako, biglang nangunot ang noo ko ng makita ko ang bubong. Hindi ito basement, pero hindi ko alam kong saang bahagi ako ng bahay naroroon. Masyadong mababa ang bubong na ito para sa isang kwarto at parang pag tumayo ako sa kinauupuan ko ay maaabot na ng ulo ko ang bubong. At imbes na kwadrado, patatsulok ang hugis ng loob ng kwarto kong saan ako ngayon. Weird!

Iginala ko pa uli ang paningin sa paligid. May isang oblong na bintana sa kaliwang bahagi ng kinaroroonan ko. Nakasarado iyon at mukhang matagal na iyong hindi nabubuksan dahil sa kapal ng agiw at alikabok na nakadikit sa salamin nito. Kahit ang sinag ng araw sa labas ay hirap na makatagos dito sa loob dahil sa alikabok.

Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko at nilapitan ang mga painting na nandoon. Ramdam ko ang gaspang ng alikabok sa daliri ko sa bawat pag-hawak ko sa mga painting na mukhang matagal ng naka-imbak sa kwartong ito.

Hirap ako sa pag analyze sa mga painting na tinitingnan ko dahil karamihan dito ay mga abstract. Mahina pa naman ako sa mga ganoon. Naagaw ang paningin ko ng isang katamtamang laki ng frame kaya kinuha ko iyon at tinitigang mabuti. Tulad sa ibang painting, abstract din iyon. Sa isang tingin, parang iba't-ibang klase lang iyon ng pintura na ikinuskos at ipinaghalo-halo sa canvas, pero iba ang dating sa akin ng isang ito. Hindi masyadong detalyado ang pag paint pero pag titingnan ng mabuti unti-unting lumalabas ang mga hugis at detalye ng isang tao. Hindi ko ma-distiguish kung babae ba ito o lalaki.

Nakalagay ang dalawa nitong palad sa gitna ng dibdib niya at parang may hawak ito. Hindi ko lang uli malinawan kong isa ba iyong bulaklak o isang susi. Kung hindi rin masyadong tititigan, hindi agad mapapansin ang iba't ibang klase at laki ng mga mata sa paligid nito na parang kusang humugis lang dahil sa mga pinaghalong kulay.

Sa ibabang bahagi ng painting, may initial na nakasulat doon na J.G. Kung sino man itong J.G. na gumawa ng painting na ito, isa lang ang masasabi ko sa kanya. Sobrang galing!

Ibinalik ko na ang painting sa kinalalagyan nito at tumingin-tingin pa ng ibang mga naka-imbak dito sa kwarto.

Nang mapaharap ako sa tokador kung saan may basag na salamin, halos hindi ko na makilala ang itsura ko. Buhaghag at naninigas na ang buhok ko dahil sa pinaghalong pawis at alikabok. Daig ko na rin ang isang taong grasa dahil sa dungis ng mukha ko. Dalawang araw na akong hindi nakakaligo kaya nangingitim na rin ang dating kulay dilaw na longsleeve na suot ko. Tastas at punit na ang kabilang manggas sa braso ng damit ko kaya kitang-kita ko ang gasgas at pasa sa balat ko dahil sa pagkakahulog ko sa bangin.

Busy pa ako sa pag-iinspeksyon sa katawan ko ng biglang may gumalaw sa taas ng tokador. Awtomatiko akong napatingala para tingnan kung ano iyon.

"Oh, shit!" Hindi ko na napigilang mapa-mura ng makita ko ang isang malaking agila na mukhang lilipad dahil nakabuka ang dalawa nitong malaking pakpak.

Mabilis akong napa-atras palayo sa tokador kong saan ito naka-tungtong dahil mukhang dadambahin ako nito. Sa sobrang pagkataranta, ilang beses akong natisod at nadapa sa mga nakakakalat na kahon at gamit sa paligid, pero hindi ko iyon alintana.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon