COLEIN’S POV
Nagising ako ng maramdaman kong parang sasabog na ang pantog ko. Dawn light was chinking through the gray curtains when I open my eyes. I lay still in the moment, totally disoriented, wondering why my eyes hurt and feel swollen. Then it all came flooding back. The horrifying incident in my beautiful face, my confession to Hannah and the drama session we make.
I make kapa my cellphone above the side table of the bed and I make tingin the time registered there.
3:15am. Kaya pala hindi pa ganoon kaliwanag.
Pagpihit ko patihaya ay nalingunan ko sa tabi ko si Alle na mahimbing sa pagtulog. Nang mapakiramdaman kong hindi na ako nanlalambot tulad kanina, I cautiously sat up.
In the dim light, I could see Hannah stretch out on the couch. Her neck stuck at an awkward angle, a blanket half covered her petite body. She was still sound asleep.
Nakatulugan ko na pala ang pagpupunas nito sa akin ng malamig na tubig kanina, kaya hindi ko alam na dito na rin ito natulog sa kwarto namin ni Alle.
I got up as quietly as I could, and walk inside the bathroom. I didn’t make any sound when I make sara the bathroom door.
I make upo to the toilet bowl and make wiwi. Nang matapos na ako ay flinash ko na ang toilet bowl at papikit-pikit pa ako habang kinakamot ang nangangati kong tenga. Gosh! I’m so antok pa talaga.
Sa sobrang pagkiskis ko sa kanang tenga ko ay natanggal ang hikaw doon at bumagsak sa tiles na sahig ng banyo.
“No! No! No!” sabi ko habang hinahanap ko kung saan na napunta ang hikaw ko. “You can’t be vanishing like that. Geez!”
I make kapa the floor hoping that I make kita my 24 karat earring. I can’t afford to lose it, because, it was the most expensive gift that my parent give to me.
Nangislap ang mata ko ng makita ko ang hinahanap kong hikaw na malapit sa curtain shower na siyang nakapagitan sa toilet bowl at shower.
Pagapang kong nilapitan ang hikaw ko, pero ng akmang kukunin ko na iyon ay natigilan ako ng mapatingin ako sa loob ng shower area at may makita akong isang pares ng paa na nakaharap sa akin.
Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko kahit na magang-maga pa ang mga iyon ng makita ko ang isang pares ng paa sa harapan ko, kasabay ng panlalamig ng buo kong katawan. Hindi naman kasi kahabaan ang shower curtain na nakakabit doon at makikita ang mga paa ng tao kung may tao sa loob.
Pero kakaiba ang mga paa na iyon dahil pulang-pula ang mga iyon at lapnos ang mga balat. Halos makita na rin ang mga buto ng daliri nito sa paa dahil sa sobrang pagkakalapnos.
I automatically jerk back, dahilan ng pagkawala ko ng balanse sa katawan kaya napasalampak ako sa sahig ng banyo.
Nang mapatingin uli ako sa kinalalagyan ng lapnos na paa ay agad na nangunot ang noo ko ng wala na akong makita sa bandang ilalim ng shower curtain.
Pumikit uli ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko at tatlong beses na nagpakawala ng sunod-sunod na malalalim na hininga.
‘Calm down, Colein.’ Sa huling pagkakataon ay huminga uli ako ng malalim. ‘You’re just sleepy, and it’s just your apparition, okay?’
Pinilit kong tumayo kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan. Sa bawat hakbang ko palapit sa shower curtain ay patindi ng patindi ang pagpintig ng puso ko habang isa-isa ng naglalabasan ang butil ng pawis sa noo ko. Ang iba ay unti-unti ng tumutulo sa gilid ng aking tenga pababa sa mukha ko.