ANIE’S POV:
Nagpupuyos pa rin ang loob ko hanggang ngayon dahil kay Erin. Kahit kelan talaga hindi kami magkasundo ng babaeng iyon. Daig pa namin ang langis at tubig kong magbangayan.
Siguro, kung maiiwan kami sa isang lugar na kaming dalawa lang, baka mauwi lang iyon sa patayan. Talagang dadanak ng dugo dahil kong sa sama ng loob lang ang pag-uusapan, marami akong kinikimkim sa kanya.
Bakit pa kasi sumama ang babaeng iyon. Nagka letse-letse tuloy ang outing namin. Hindi ko naman natandaan na ininvite ko siyang sumama.
“Bakit kaya inabanduna ang bahay na ito?” narinig kong tanong ni Alle. Pero hindi ko alam kong kanino niya iyon eksaktong tinatanong dahil wala naman itong binanggit na pangalan at abala ang mga mata nito kakatingin sa paligid.
Hindi na ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong nito.
“Alle, samahan mo ako sa basement,” sabi ni Hannah. “Hanapin natin yung breaker.”
“Me too!” mabilis na presenta ni Colein.“I don’t want to stay here with that two, you know. What if they make patayan pa. Gosh! I want to live longer pa, noh!” Narinig ko pang bulong nito habang naka-buntot kay kila Hannah at Alle pababang basement.
Napa-iling na lang ako habang hindi mapigil ang ngiti sa aking labi. Inikot ko uli ang aking paningin sa paligid ng makababa na ang tatlo sa basement.
Speaking, asan na kaya ang kontra-bida ng buhay ko? isip ko ng mapansing ako na lang ang mag-isa sa sala ng bahay na iyon.
Nang mapatingala ako at makita ko si Erin na dahan-dahang pumasok sa isa sa mga kwarto sa second floor ay napangisi ako.
“Humanda ka sa akin ngayon.” with evil smile.
Dahan-dahan na rin akong umakyat ng hagdan at ingat na ingat akong maka-gawa ng ingay. Ito na ang oras na matagal ko ng hinihintay para makapaghiganti kay Erin.
Sinundan ko siya kung saan siya pumasok na kwarto. Pero hindi muna ako pumasok at pinakiramdaman ko muna kung anong ginagawa niya sa loob.
Nang wala akong marinig na ingay mula sa loob ay unti-unti akong sumilip sa nakabukas na pintuan. Nakita kong nakatalikod si Erin at nakaharap ito sa nakabukas na bintana ng kwartong iyon.
Aba, nakuha pang mag-emote ng bruhang ito!
Hahakbang na sana ako papasok, pero bigla rin akong napatigil ng makita kong mukhang na-alerto ito at kinuha ang cellphone nito para ilawan ang labas ng bintana.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng isara na ni Erin ang bintana. Akala ko talaga kanina, naramdaman niya na ang presensya ko. Pero mukhang tuloy pa rin ang balak ko.
Tinanggal ko muna ang tali ng buhok ko at hinayaang lumugay ang mahaba kong buhok bago ako humakbang papasok.
Huminto lang ako ng mapatigil uli si Erin sa ginagawa nitong pag-lock ng bintana at mukhang nakikiramdam sa paligid.
Alam kong natatakot na ito dahil hindi na maitago ng mga kamay nito ang panginginig. Gusto ko mang tumawa ng malakas, pero hindi ko iyon ginawa. Ayaw kong mabulilyaso ang mga plano ko.
Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan ng unti-unting humarap sa akin si Erin. Hinintay ko ang magiging reaksyon nito. Mukhang hindi niya naman ako nakilala. At halata na sa mukha nito ang matinding takot, kaya mas humakbang pa ako palapit sa kanya. Ginaya ko pa ang lakad ni Sadako para mas convincing ang acting, at hindi naman ako nabigo.