HANNAH’S POV
Hindi pa ako nakakatayo sa pagkakasalampak sa sahig ng biglang bumungad sa akin si Alle na hinahabol pa ang hininga.
“Ate Hannah…” hingal nitong bungad sa akin. “…Si ate Anie…”
“Anong nangyari kay Anie?”
“N-nawawala si ate Anie.”
“Ano?!” Hindi ko makapaniwalang tanong. “Paanong nawawala?”
Pero hindi na nakasagot si Alle, malikot ang mga mata nito at mukhang hindi rin alam ang isasagot.
Mabilis kong kinuha ang mga cut-out ng news paper sa taas ng lamesa at binitbit ang notebook ni mayhem wraith bago patakbong umakyat sa taas.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay balewala inihagis ko ang mga hawak ko sa taas ng kama at nagmamadaling pumasok ng banyo kong saan ko iniwan si Anie.
Naabutan ko doon si Colein na hawak-hawak na lang ang tuwalya na pinangtakip ko sa katawan ni Anie kanina at wala pa rin itong tigil sa pag iyak.
“Asaan na si Anie?” agad kong tanong kay Colein ng lumingon ito sa akin.
“I-I don’t know.” Iiling-iling nitong sagot habang umiiyak.
“Paanong hindi mo alam?” pasigaw ko ng tanong. “Kayo ni Alle ang iniwan ko dito kanina kasama ni Anie, ‘di ba?”
“Ate Hannah, pumunta kami ni ate Colein sa kwarto kanina dahil nagbihis siya.” Singit sa amin ni Alle na kakarating lang din mula sa basement.
Ngayon ko lang napansin na hindi na nga naka robe si Colein at ang kaninang buhaghag nitong buhok ay nasuklay na rin.
“Pero paanong nangyari na bigla na lang nawala ang katawan ni Anie?” naguguluhan ko pa ring tanong sa dalawa. “May narinig ba kayong kakaibang ingay noong nasa kabilang kwarto kayo?”
Nagkatinginan muna ang dalawa at sabay na umiling-iling.
“I guess Scar face got Anie.” sabi ni Colein.
Napasabunot na naman ako sa buhok ko at naglakad palabas ng banyo. Tiningnan ko ang bintana at mas lalo akong naguluhan ng makita kong sarado ang bintana at naka lock pa rin iyon tulad ng pag lock ko kanina bago ako pumuntang basement, kaya sigurado na hindi dito dumaan ang kumuha sa katawan ni Anie.
Kung sa main door naman ito dumaan, siguradong maririnig nila Alle at Colein ang pag pasok nito sa kwarto dahil sa kabilang kwarto lang sila.
Nagpa-ikot-ikot ako sa loob ng kwarto habang naka pamewang at pilit na iniisip kong paanong nangyari ang lahat at kong ano na ba talaga ang nangyayari sa amin dito.
Napahinto ako sa paglalakad ng mapatingin ako sa bag ni Anie na nasa gilid ng kama. Nilapitan ko iyon at binuksan.
“Holy mother of god!” Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko ng makita kong halos ma-abo na ang mga damit ni Anie sa loob ng bag niya.
Agad akong napa-atras palayo sa bag na nanginginig ang buong katawan. Napalabas naman sila Alle at Colein mula sa banyo at tiningnan din nila ang bag ni Anie.
“Ate Hannah, ganito din ang nangyari sa mga gamit ni ate Erin noong mawala siya ‘di ba?” –Alle.
“Could anyone tell me, what the hell is happening here?” –Colein.
“Colein, hindi makakatulong ang pag hihisterikal mo sa sitwasyon natin ngayon.” Kalmado kong sagot dito.
“Then, tell me what’s on your mind,” sabi nito.