PROLOGUE

705 19 5
                                    

PROLOGUE

 

Unti-unting nawala ang munti kong pag asa ng makita kong umiling-iling ang babae na kaharap ko habang binabasa nito ang gawa kong kwento.

Tinanggal nito ang suot nitong salamin sa mata pagkatapos nitong ilapag ang hawak nitong papel sa mesa at tumingin sa akin.

“Ito na ba ang best mo, Ms. Garcia?” tanong nito sa akin.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya, at hindi umimik. Pinagpuyatan ko iyon ng ilang gabi para lang masulat ang kwentong iyon. Tapos, mukhang hindi niya manlang iyon na-appreciate kahit kunti.

“Ms. Garcia,” malumanay nitong sabi. “Sa panahon ngayon, masyado ng mabilis mag-sawa ang mga tao sa isang bagay.”

Napakurap ako sa sinabi nito. Nasabi ko ba ng malakas ang mga nasa isip ko?

“Matagal ng kumita ang ganitong kwento sa madla,” pagpapatuloy nito. “Gangsters, Cassanova, Third parties and Fixed marriage. Do you get what I want to say? Masyado ng cliché ang mga ganitong plot ng kwento, at pag dumagdag ka pa sa kanila, hindi na mapapansin ang kwento mo.” mahaba nitong litanya.

Inayos na nito ang mga papel sa taas ng mesa at iniabot sa akin.

“I want something different. Something, extraordinary pero makatotohanan. Iyong bago sa mga readers at hindi sila magsasawang tapusin ang kwento mo. I know you can do it, bata ka pa at malawak pa ang imahinasyon mo.” sabi ng publisher sa akin at tuluyan na itong tumayo at lumabas sa restaurant kong saan kami nagkita.

Another rejection! Sa totoo lang, hindi ko na mabilang ang mga rejection na natamo ko mula sa mga pinagpapasahan kong publisher ng libro.

Simula pagkabata, pangarap ko na talagang maging isang author ng libro. Pangarap kong maraming makabasa ng mga gawa kong kwento. Kaya noong nauso ang wattpad, nabuhayan ako ng loob. Dahil kahit hindi ka professional writer, pwede kang mag post ng mga kwento mo dito.

Hindi naman ako nabigo, dahil may mga nagbabasa naman ng mga kwento ko. May mga nagko-comment din na nagsasabing isa akong magaling na writer. Na malayo ang mararating ko. Kaya mas lalong lumakas ang loob ko na mag pasa ng gawa ko sa mga publisher ng libro. Pero lagi rin akong nire-reject, laging tinatanggihan ang mga gawa ko.

Kinuha ko ang mga papel sa mesa at tumayo na rin. Nang may makita akong basurahan sa labas ng restaurant ay tinapon ko doon ang hawak kong papel at sumakay na ako sa aking kotse.

Mabilis kong pinaandar ang aking kotse paalis sa lugar na iyon.

Bakit napaka unfair sa akin ng mundo? Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. Mahirap ba iyong ibigay sa akin? Ginagawa ko naman ang lahat para lang maging isang ganap na writer, ano pa ba ang kulang?

Nagulat na lang ako ng biglang umuga ng malakas ang kotse ko. Sa lakas ng impact ng bumabangga sa akin ay tuluyang tumihaya ang aking kotse, kasabay ng pagkabasag ng mga salamin nito at pagbukas ng air bag sa harap ng manibela ko.

Sa bilis ng mga pangyayari, hindi ko na alam kung anong bumunggo sa akin. sobra na akong nahihilo, nanlalabo na rin ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa usok na kumakalat sa paligid.

Ang huli ko nalang na naramdaman ay may sumira na ng pinto ng kotse ko para mabuksan iyon. Pagkatapos noon, nagdilim na ang paningin ko.  

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon