CHAPTER 1

605 16 17
                                        

ERIN'S POV:

Erin's reading.........

(Nagsimula na namang magbangayan sila Nire at Eina sa loob ng sasakyan ng mapansin ni Nire na naliligaw na sila ng daan...)

Natigil ang pagbabasa ko ng bigla akong tapikin ni Anie.

"Ano ba, Erin?" halata na ang pagkayamot sa boses nito. "Hindi mo ba titigilan ang pagbabasa diyan sa wattpad na iyan?"

"Kahit naman mag suggest at tumulong ako sa paghahanap ng daan, sa huli, ikaw pa rin naman ang masusunod." Bored kong sagot na hindi inaalis ang aking mga mata sa screen ng tab ko.

"So, mas gugustuhin mo pang magbasa diyan sa wattpad mo at dito matulog sa gitna ng kagubatan?" sigaw na ni Anie sa akin, sabay tapik nito sa tab na hawak ko dahilan para mahulog ito.

Hindi ko na napigilang magtimpi, at inisang hakbang ko lang ang pagitan namin ni Anie at gigil kong hinablot ang kuwelyo ng damit nito.

"E, sino ba ang nag-suggest na sa ganitong lugar tayo mag-outing, tapos hindi naman pala kabisado ang daan!" Mas malakas kong sigaw.

Agad namang pumagitna sa aming dalawa si Hannah at pilit kami nitong pinaghihiwalay.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Walang mangyayari kung magbabangayan lang kayo. Ang maganda nating gawin ngayon ay magtulungan na mahanap ang daan."

"I agree!" segunda naman ni Colein. "It's like malapit ng gumabi, noh, and it really difficult for us to make hanap the place if that happened, diba? So, stop it na."

Tiningnan ko na lang ng masama si Anie at pinulot ang tab sa damuhan at nagpatiuna na sa paglalakad.

Bakit pa kasi ako sumama sa outing na ito. Palpak lang naman pala. Tss!

"Anie, akina iyang mapa, ako na ang titingin." Narinig ko na sabi ni Hannah sa likuran ko. "Alle, ihanda mo na iyong flashlight para mamaya." Utos pa nito kay Alle na siyang pinaka bata sa aming lima, na agad namang sinunod nito.

Sa grupo namin, si Hannah lang ang sinusunod naming lahat. Pag ito na ang nag salita, wala ni isa sa amin ang kumukontra. Ultimo si Anie na lagi kong nakaka-away dahil hindi marunong makinig sa iba, nagagawang pasunurin ni Hannah. Kaya malaki talaga ang respeto ko sa kanya.

Ilang oras pa kaming nagpa ikot-ikot sa kagubatan. Medyo madilim na rin ang paligid dahil sa dami ng puno na naka-ikot sa amin.

"Are we there, yet?" maarteng tanong ni Colein. Pero wala ni isa sa amin ang sumagot. "OMG! It's so daming mosquitoes here. They make kagat my sensitive skin. Gosh! What if I got some dengue here. OMG! My precious blood." dugtong pa nito. "Guys, are you not yet pagod?"

"Hindi ka pa ba titigil sa kaartehan mo?!" sigaw ko kay Colein ng marindi na ang tenga ko sa boses nito.

Agad naman itong tumahimik, pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang simpleng pag irap nito sa akin.

"Ate Hannah, tingnan mo mukhang may ilaw sa lugar na iyon." Narinig kong sabi ni Alle kay Hannah, kaya agad kaming napatingin sa lugar na tinuturo nito.

Nakita kong may kumikislap-kislap nga doon na kulay puti.

"Oo nga! Baka iyon na yung rest house na hinahanap natin." Masayang sagot ni Hannah.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon