Be-real's Note:

202 9 2
                                    

Yeay! Sa wakas, nakatapos ako ng isang paranormal story na sa panaginip hindi ko inakalang isusulat ko.

Anyway, sana po ay na-enjoy at na-satisfy kayo sa story.

Special thanks din kay Shezkheihpalomar. Siya lang naman ang avid voters at laging nagko-comment dito simula umpisa hanggang katapusan. Siya 'yong energy boster ko tuwing tinatamaan ako ng katamaran. Hehehe!

Ganoon din syempre sa mother earth ko na sinuportahan din itong story ko. Kahit na gustong gusto ko ng magtanong sa kanya tungkol sa mga nalalaman niya tungkol sa paranormal hindi ko pa rin ginawa dahil gusto kong abangan niya rin ang bawat chapter ng story. hehe!

At super thank you rin sa mga silent reader na nakakadagdag sa pagsisipag ko sa pag-update ng story ko.

Sa mga magtatanong kong masusundan ba itong paranormal story ko. Ang sagot ko, hindi ko alam. Ayaw ko naman ng magsalita ng tapos dahil dati sabi ko hinding-hinding-hindi talaga ako susulat ng ganitong klaseng kwento pero ito nakatapos na ako ng hindi ko namamalayan.

Siguro makakapagsulat pa ako, medyo matatagalan nga lang dahil maraming story na nakapending pa ngayon sa utak ko na kailangan ko ring isulat.

Next focus ko ngayon ay ang Logic part2.

Nahiya na ako, nakalagay sa teaser 'coming soon' pero ilang buwan na ang lumipas wala pa ring nangyayari. Hahaha.

Sana po suportahan niyo pa ang ibang story ko. Wala akong genre kaya wag na kayong magtataka kung iba-iba ang tema ng mga story ko. Tingnan niyo na lang sa works ko. thanks.

Mamimiss ko sila Hannah at Nero as Scar face. Ganon din sila Erin, Anie, Alle and of course si Colein na pinadugo ng bongga ang ilong ko sa kaka-english.

+++

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon