CHAPTER 16

252 12 0
                                    

B’s Note:

            Kaway-kaway po sa mga silent readers! Kahit na hindi kayo nag-iingay, ramdam na ramdam ko pa rin kayo! Bleeeh! Kaya natutuwa akong mag update dito dahil ang bilis ng reads. Hehehe! Love lots!       

Sa mga naghihintay po ng update ko sa Poison Ivy. Sensya na guys, mag-fucos muna ako dito sa Vague. Siguro pag natapos ko na ito, for sure makakapag update na ako doon.

            Happy reading!

Ciao! ♥♥♥

+++

 

 

HANNAH’S POV:

 

Pagkatapos naming maghapunan ni Alle ay bumalik ako sa kwarto nila Colein na may dalang isang plangganita at tubig na may yelo at isang bimpo para i-cold compress ang maga nitong mukha.

Kumatok ako sa nakasarang pinto, pero walang nagbukas. Tinawag ko ang pangalan nito pero wala ring sumagot.

Sinubukan kong pihitin ang door knob, at ng bumukas ang pinto ay dahan-dahan akong pumasok.

Nakita kong nakahiga si Colein sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot kaya hindi ko alam kong natutulog ba ito o nag-i-inarte pa rin.

Lumapit ako dito at ipinatong ko ang hawak kong plangganita sa side table ng kama nito at kinuha ko ang isang kahoy na upuan na malapit sa bintana at itinabi sa kama ni Colein.

“Colein?”

Hindi ito sumagot o gumalaw man lang, kaya dahan-dahan kong ibinaba ang kumot na nakatalukbong dito hanggang sa balikat nito para makita ko ang mukha nito.

Nakatagilid ito at nakaharap sa akin habang nakapikit at namamaluktot sa ilalim ng kumot.

Tiningnan kong mabuti ang mukha ni Colein. Hindi pa rin nawawala o umimpis man lang ang pamamaga ng mukha nito kahit ang mata at bibig nito. Nangingintab na rin na parang kamatis ang pisngi nito dahil sa sobrang pagkakabanat ng manipis nitong balat sa sobrang pamamaga. May bakas pa rin ng makapal na make up ang talukap at pisngi nito.

Marahan kong hinimas ang maliit na umbok sa mukha nito pero agad akong napaso ng maramdaman ko ang init ng balat nito. Tuma-tagaktak din ang pawis nito sa leeg.

Tuluyan ko ng tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan nito. Akala ko ay magigising na ito ng gumalaw ito sa pagkakahiga kaya napatigil ako saglit.

Pumihit ito at tumihaya, pero nanatiling nakapikit ang mata. Pinakiramdaman ko muna ito saglit, at ng marinig ko ang payapa nitong paghinga ay umupo na ako sa upuan na inilagay ko sa gilid nito.

Inilublob ko ang bimpo sa tubig na may yelo at piniga iyon. Dahan-dahan kong iyong idinampi sa magang pisngi ni Colein.

Narinig kong bahagya itong umungol ng dumampi na ang malamig na bimpo sa balat niya pero hindi ito nagmulat ng mata.

Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang nakatingin sa tulog na si Colein. Naaawa ako dito dahil sa nangyari sa mukha nito, pero mas naaawa ako dito dahil sa pagiging insecure nito na wala namang katuturan.

Nang maramdaman kong hindi na malamig ang bimpo na idinadampi ko sa mukha nito ay inilublob ko uli iyon sa tubig at piniga.

Paglingon ko kay Colein ay nakita kong nakamulat na ang mata at nakatingin sa akin. Maliit pa rin ang siwang ng mata nito sa kanyang pagkakamulat at namumula na rin ang ilalim ng mata niya na dapat ay eyebag ang nandoon.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon