CHAPTER 22

305 11 8
                                    

On bended knees, Ross held Erin's hand and said, "I fall in love with you all over again, every time I see you. Erin, will you be my girlfriend?"

Halos malaglag ang panga ni Erin habang nakatingin sa nakaluhod na si Ross sa harap niya. Ganoon din sila Anie, Colein at Alle na kasama namin ngayon na nagmemeryenda sa canteen ng school.

Kitang kita ko ang pagka-ilang ni Erin ng tumingin siya sa direksyon ko. Alam kasi nito ang lihim kong pagtingin kay Ross. Kahit sila Anie ay hindi rin maipinta ang mga mukha. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa mga katawan nila.

Sa tingin ko kay Erin, may gusto rin ito kay Ross. Sino nga ba naman ang hindi mahuhulog sa isang lalaki na sobrang maalaga at uunahin ka sa lahat ng bagay? Kung magiging sila man ni Ross, okay na rin sa akin dahil kaibigan ko naman silang pareho. Hindi na sila iba sa akin. At pag nakikita ko silang masaya, masaya na rin ako.

Iyon ang hirap sa akin, mas inuuna ko ang mararamdaman ng ibang tao kesa sa nararamdaman ko. Mas inuuna ko ang iisipin ng iba kesa ang sa akin. Dahil doon, maraming nagkakagusto sa ugali ko. Masyado daw akong mabait sabi ng mga taong nakapaligid sa akin.

Gusto ko sanang ngitian si Erin para ipakita sa kanya na okay lang ako. Gusto kong ipakita sa kanya na 'no harm done', na walang epekto sa akin ang pagtatapat ngayon ni Ross sa kanya. Pero sa pagkakataon ngayon, hindi ko kayang ngumiti. Pakiramdam ko, pag iginalaw ko kahit isang bahagi ng mukha ko mapapangiwi ako at maiiyak, dahil sa totoo lang hindi kaaya-aya ang nakikita ko ngayong tagpo. Masakit sa mata. Mahapdi sa puso.

Kahit na alam ko ng mangyayari ito, hindi ko pa rin napaghandaan ang pag react ng puso ko. Sa unang pagkakataon, ayaw kong magpaka-ipokrita sa harap ng mga kaibigan ko at ipakitang masaya ako sa mga nangyayari kung alam naman talaga nila na hindi.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi ng maramdaman ko iyong nanginig. Ayaw kong maiyak sa harap ng mga kaibigan ko lalo na sa harap ni Ross. Ayaw kong kaawaan nila ako. Ayaw kong isipin ni Ross na niloloko ko lang siya at kinaibigan ko lang siya dahil may lihim akong pagtingin at gusto ko lang mapalapit sa kanya lagi. Ayaw kong isipin nila na dahil sa pag-iyak ko sa harap nila, hindi ako masaya para sa kanila kong maging sila man.

Ito na naman ako. Puro ang iisipin na naman nila ang iniisip ko ngayon. Paano naman ako? Kelan kaya nila iisipin ang iniisip at nararamdaman ko?

Napatakbo na lang ako palabas ng canteen ng maramdaman kong hindi ko na kayang pigilin ang pag-iyak ko. Narinig ko ang boses ni Erin na tinatawag ang pangalan ko, pero hindi na ako nag aksaya pang lingunin ito.

Sana maintindihan nila ako. Kahit ngayon lang gusto kong magpakatotoo sa sarili ko. Gusto kong aminin at ipakita sa lahat na nasasaktan ako.

Napatigil ako sa pagtakbo ng bigla akong may mabunggo. Nang mag angat ako ng tingin ay napatigagal ako ng makita ko ang mahabang peklat at walang emosyong mukha ng isang lalaki sa harapan ko.

"Scar face?!"

Biglang tumigil ang paggalaw ng mga nasa paligid ko. Hindi ko lang iyon pakiramdam dahil ng ilingon ko ang paningin ko sa paligid ay literal talagang tumigil ang paggalaw ng lahat. Ang pag hakbang ng mga estudyante sa daan, ang pag awang ng bibig ng isang nagsasalitang estudyante. Ultimo ang pag kahulog ng mga tuyong dahon sa lapag ay nabitin din sa ere. At tanging kami lang ata ni Scar face ang gumagalaw ngayon.

Naramdaman ko ang kamay ni Scar face sa mukha ko at pilit niya itong iniharap sa kanya. Sa isang iglap, nag karoon na naman ng emosyon ang mukha nito habang masuyo nitong pinapahiran ang mga luha ko sa pisngi.

"Hannah." Masuyo nitong kinabig ang ulo ko papuntang dibdib niya at niyakap ako ng mahigpit.

Sa unang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting takot para sa kanya. Sa katunayan, parang gusto ko na ring yumakap dito pabalik at umiyak na lang ng umiyak sa dibdib niya.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon