CHAPTER 20

281 11 17
                                    

HANNAH'S POV:

 

Nananakit na ang likod at ang braso ko kakabuhat sa mabibigat kong bag habang nakatayo kaming dalawa ni Alle sa gilid ng daan.

Mag-iisang oras na kaming nakatayo ni Alle sa gilid ng kalsada at umaasang may dumaan na sasakyan na pwede naming masakyan. Pero nagka-ugat na ata kami sa kinatatayuan namin ay wala pa ring dumadaan na kahit isang sasakyan.

Pilit kong pinapatalas ang pandinig ko at umaasang makarinig ng ugong ng makina ng paparating na sasakyan, pero tanging mga huni lang ng mga insekto sa kagubatan ang naririnig ko. Unti-unti na ring lumalamig ang paligid at manaka-naka na ring humahangin ng malakas na nanunuot sa balat at buto ko ang lamig.

Wala rin kahit isang poste ng ilaw sa daan kaya nagkasya na lang kami sa liwanag ng buwan at sa flashlight na dala ko.

Parang ganito din ang eksena namin dati ng makarating kami sa lugar na ito. Madilim ang paligid, malamig, mabigat ang mga dalang bag at walang kasiguraduhan ang paroroonan. Ang pinagkaiba lang siguro, marami at maiingay kami ng dumating kami dito pero ngayon ay dalawa at tahimik na kami ni Alle ngayon.

Kanina nabuhayan na ako ng loob ng makita ko ang kalsadang ito, dahil malaki na ang pag-asang naramdaman ko na makaka-uwi na kami at magiging normal na uli ang buhay namin ni Alle.

Pero habang lumilipas ang oras na nakatunganga kami dito ay unti-unti na namang bumabalik ang takot at pag aalinlangan ko.

Hindi ko na alam kong tama ba ang naging disisyon kong umalis sa lumang bahay ng ganitong oras at mangatog sa lamig dito sa gilid ng daanan. Alam kong hindi kami safe ni Alle sa ganitong sitwasyon lalo na tuwing naririnig ko ang mga alolong ng aso sa kung saan.

Hindi ko alam kong pangkaraniwang aso lang iyon o isang mabangis na wolf na kahit anong oras ay pwede kaming atakehin at pagpiestahang kainin.

Tiningnan ko si Alle na ngayon ay naka-upo na sa gilid ng daan gamit ang back pack nito. Naka-head band ito na kulay dilaw pero buhaghag ang hanggang balikat nitong buhok na walang tigil na hinahangin. Maputla pero nangingitim ang ilalim ng mata. Tuyo at bitak-bitak ang labi habang malayo ang tingin. Wala kaming imikan dahil parehas kaming nakikiramdam sa paligid kaya rinig na rinig ko na ang tiyan nito sa pagkulo dahil hindi kami kumain ng buong araw ngayon.

Gusto ko mang alokin ito ng pagkain pero wala na akong maibigay na pagkain dito dahil naubos na rin ang mga baon naming stock. Isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit tahimik na kaming dalawa ngayon, dahil sa gutom at pagod na nararamdaman naming dalawa.

Inilapag ko na rin ang back pack na nasa likod ko at ginaya si Alle sa ginawa nitong pag-upo sa bag niya.

“Mukhang wala ng dadaanan na sasakyan ng ganitong oras,” sabi ko. “Gusto mo bang bumalik na lang uli tayo sa lumang bahay?”

Mabilis itong umiling-iling. “Mas gugustuhin ko pang magpalipas dito ng magdamag kesa ang matulog ng mahimbing sa lumang bahay ng walang kasiguraduhan kong magigising pa ako kinabukasan.”

Napayuko ako dahil naramdaman kong namamasa na ang mga mata ko. Ayaw ko ng maulit pa ang nangyari kay kila Anie, pero parang wala na akong maisip na magandang gawin.

“I’m sorry, Alle.” Mahina kong sabi.

Naramdam kong hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad, ate Hannah.”

Napa-angat ako ng ulo at nakita kong nakangiti ito sa akin kahit na halata ang lungkot sa mga mata nito.

“Ginawa mo ang lahat para maka-alis tayo sa bahay na iyon. Hindi mo ako iniwan at pinabayaan. Kaya hindi mo kailangang humingi ng pasensya sa akin.” Huminga ito ng malalim at tumingala sa madilim na kalangitan. “Siguro, hindi na talaga natin maaring mabago ang kapalaran natin sa kwento.”

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon