CHAPTER 28

216 11 2
                                    

Iba't-ibang boses ang naririnig ko sa paligid pero wala akong naiintindihan kahit isa. Pamilyar din sa pandinig ko ang mga boses, pero hindi ko mahanap sa utak ko kung sino-sino sila.

Nasilaw ako sa liwanag na sumalubong sa mata ko ng magmulat ako kaya agad rin akong napapikit. Mas lalong lumakas ang mga boses sa paligid. Parang nagkakagulo ang mga ito, kaya unti-unti ko uling iminulat ang mga mata ko.

Malabo noong una, pero unti-unting rumehistro sa paningin ko ang mga mukhang nakatingin sa akin. Lahat sila nakangiti pero umiiyak.

Pamilyar ang mga mukha nila, pero walang lumalabas sa utak ko na mga pangalan nila.

"Anak." Garalgal na sabi ng isang babae na hindi mapatid-patid sa pag-iyak habang nakatingin sa akin. "Eduardo, gising na ang anak natin." Baling naman nito sa isang lalaki na may bigote at maluha-luha ring nakatingin sa akin.

Napatingin naman ako sa bandang kaliwa ko ng maramdaman kong may pumisil sa kamay ko. Isa uli iyong lalaki na matangkad. Pamilyar din ang mukha niya at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko ng mapatingin ako sa kanya, pero tulad ng kanina, hindi ko rin mahagilap ang pangalan nito sa utak ko pero parang kilalang kilala siya ng puso ko.

Unti-unti akong nakaramdam ng pagka-alarma dahil parang isang malinis na kahon ang utak ko at wala akong mahagilap mula doon kahit isa.

May isang lalaki na pumasok ng kwarto, naka-kulay puti ito. May salamin sa mata at parang kasing edad lang ito ng lalaki na may bigote.

"Doc, gising na po ang anak namin," sabi ng lalaki ng may bigote habang nakatingin sa bagong dating na lalaki.

Lumapit ang naka-kulay puti na lalaki sa akin. May inilabas ito mula sa bulsa nito na isang maliit na bagay at itinutok iyon sa mata ko. Agad akong nasilaw ng bigla iyong lumiwanag. Ibinuka naman ng lalaking naka-puti ang mata ko sa pamamagitan ng mga daliri nito at iginalaw-galaw nito ang ilaw na hawak nito sa tapat ng mata ko.

"Isa itong himala," sabi ng lalaki na naka-puti matapos nitong isara ang hawak nito. "May malay na nga ang anak niyo.

Lumapit na naman ang babae sa akin at hinawakan pa nito ang braso ko. "Anak, I'm so happy you're alive."

Gusto kong mag-react sa mga sinasabi nito. Gusto kong magsalita, pero wala akong kataga na maisip sa utak ko.

Pinilit kong ibuka ang bibig ko, pero puro tunog lang ang nagagawa ko. Walang salitang nabubuo doon. Kung hindi 'AH', mahahabang 'EH' lang ang namumutawi sa bibig ko.

Nakaramdam na ako ng sobrang takot, pero kahit iyon hindi ko masabi. Naramdaman ko na lang na umiiyak na ako. Iyon na lang ang ginawa ko sa harap ng mga ito. Iyak na lang ako ng iyak.

"Doc, ano pong nangyayari sa anak namin?" tanong ng lalaki na may bigote.

"It's normal." Kalmadong sagot ng lalaking naka-puti. "The patient, who comes out of a coma, is like a three months old baby. Her life starting over again. She has to learn how to walk, talk, and move her arms. But it will go back again through therapy."

+++

Dalawang linggo akong hindi makapagsalita. Iyak lang ako ng iyak and making baby noises. Walang sawa ring ipinapaalala sa akin ng mga magulang ko ang mga pangalan nila, pati na rin ang pangalan ko.

They started feeding me baby food or a soft diet. They toilet-trained me and I had a bunch of papers that I was trying to write on.

In one month, para akong bumalik ng grade school. Nagsimula uli akong matuto kong paano isulat ang alphabet at magbilang ng mga numbers. Paano bumuo ng isang pangungusap at kung paano isulat ang pangalan ko at ang mga pangalan ng mga kasama ko. Unti-unti na ring bumabalik ang vocal chords ko.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon