CHAPTER 5

305 13 2
                                    

ANIE’S POV:

 

Tiningnan ko si Erin na ngayon ay nakahiga na sa sofa at maputlang maputla na talaga ang mukha nito. Kailangan na talaga nito ng gamot para sa bali nitong paa na ngayon ay namamaga na rin. Alam kong makirot iyon pero hindi namin naririnig na nagrereklamo si Erin na ngayon ay pinagpapawisan na sa sobrang pagtitiis nito.

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Pinunasan ko ang mga pawis nito sa mukha at ng masalat ko ang balat nito na sobrang lamig ay medyo nabahala na ako.

“Erin, anong nararamdaman mo?” puno ng pag aalala kong tanong dito pero umiling lang ito at mariin parin ang pagkakapikit nito.

Naramdaman kong nanginginig na ang buo nitong katawan kaya dali-dali ko siyang binalot ng kumot, pero wala paring tigil ang paglabas ng malapot na pawis nito sa mukha.

“Please Erin, talk to me. Sabihin mo kung anong nararamdaman mo?” maluha luha ko ng tanong dito dahil alam kong nagpapakatatag lang ito at ayaw lang nitong magpakita ng kahinaan sa harap ko.

“Sandali lang, kukuha ako ng mainit na tubig para mapunasan kita at mabawasan ang panginig mo.”

Tatayo na sana ako sa tabi nito, pero agad niya rin akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak nito sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

“Bakit?”

“D-dito ka lang muna sa tabi ko.” mahina at nahihirapan nitong sabi sa akin na hindi parin nagmumulat ng mga mata.

Mabilis kong pinahiran ang luha na pumatak sa mga mata ko ng marinig ko ang sinabi ni Erin sa akin kaya umupo uli ako sa tabi nito at hinawakan ko ng aking dalawang kamay ang malamig nitong palad.

“Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan.” Hindi na napigilang gumaralgal ang boses ko dahil sa pagpigil ko ng pag-iyak kaya nagmulat na ng mata si Erin at tumingin sa akin.

Mas lalo akong napa iyak ng makita kong nangigitim na at lubog na ang mata nito dahil sa puyat at pagod at wala na ring kakulay kulay ang pisngi nito. Samantalang ang labi naman nito ay nagbibitak bitak na dahil sa panunuyo.

Itinaas nito ang nanginginig nitong kanang kamay at pinahiran niya ang aking mga luha sa mukha.

“Don’t cry Anie.” Mahina nitong sabi sa akin kasabay ng isang pilit na ngiti. “Baka sabihin nila Hannah na inaway na naman kita at tuluyan na nilang baliin ang paa ko.”Alam kong pilit itong nagbibiro para pagaanin ang loob ko, pero mas lalo lang akong napa iyak sa sinabi nito sa akin.

Pinahiran ko naman agad ang mga luha ko at pinigil ang pag iyak ng tumingin uli ako sa kanya. Nanatili lang na naka-titig sa akin si Erin habang naka ngiti kahit na alam kong marami itong sakit na nararamdaman.

“Anie, alam kong hindi ako naging mabuting ate sa iyo.” hirap nitong sabi sa akin habang hawak parin nito ng mahigpit ang isang kamay ko. “Pero kahit na hindi ko lagi sa iyo sinasabi ito, sana lagi mong tandaan na mahal na mahal kita bilang kapatid ko.”

Napa iyak na naman ako sa sinabi ni Erin sa akin. Mas matanda sa akin si Erin dahil ito ang unang lumabas sa amin at totoo ang sinabi nito na hindi nga ito naging mabuting ate sa akin dahil lagi niya akong pinapa iyak at lagi kaming nag aaway. Kaya nga hindi ko rin siya nakasanayang tawagin na ate.

“Kahit na hindi tayo tulad ng normal na magkakapatid na naglalambingang at nagbibigayan ng mga payo kung may problema ang isa sa atin. Mahal na mahal din kita bilang ate ko.” sagot ko kay Erin habang umiiyak.

Ngumiti uli sa akin si Erin at pumikit uli ito. “Anie, pasensya ka na kung lagi kitang sinisigawan at inaaway, ha.” napansin kong umiiyak na rin si Erin dahil gumaralgal na ang boses nito. “Hindi ko kasi alam kung paano magpaka-ate sa iyo. Naiinis ako sa iyo tuwing lagi kang sinasabihang bunso nila mama. Hindi ko matanggap na hindi manlang ako naging bunso kahit saglit lang at lagi nalang akong binibigyan ng responsibilidad nila mama tuwing umaalis sila. Lagi nilang sinasabi na alagaan kita dahil ako ang mas matanda sa iyo.” tumingin sa akin si Erin.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon