Hannah's POV:
Nang makabalik kami sa lumang bahay, tinulungan ko na si Anie na magbihis dahil tulala pa rin ito at maya-maya itong umiiyak pag naaalala ang kakambal niya.
Nakaramdam ako ng awa para kay Anie habang tinitingnan ko ang repleksyon nito sa salamin habang sinusuklay ko ang mahaba nitong buhok. Tulala pa rin ito at tagos-tagusan ang tingin. Mugto na rin ang dalawa nitong mata sa walang tigil na kakaiyak.
Kahit na lagi silang nag aaway at nagbabangayan ni Erin, hindi ko pa nakita na naghiwalay silang dalawa. Kahit na daig pa nila ang aso at pusa, lagi pa rin silang magkadikit at magkasama sa lahat ng bagay.
Gustuhin ko mang hanapin na agad si Erin, pero hindi ko naman maiwan itong si Anie na ganito ang sitwasyon.
Nang matapos ko ng suklayin ang buhok ni Anie ay pinahiga ko na siya sa kama para makapagpahinga naman siya kahit kunti.
At kahit anong tanggi niya ay hindi ko siya tinigilan at tinabhihan ko pa siya para hindi na siya makatanggi pa.
Nakahinga lang ako kahit papaano ng makita kong nakapikit na ito habang hinihimas ko ang buhok nito.
Halata pa rin sa mukha nito ang matinding pagod dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa amin. Alam ko na hindi rin ito nakatulog ng mahimbing kagabi dahil nagigisingan ko ang maya-maya nitong pagtingin kay Erin.
Dahan-dahan akong bumangon ng masigurado kong mahimbing na ang pagtulog nito at ingat na ingat akong magising ko ito.
Pagtayo ko sa kama ay may kumalabog na parang isang bagay na nahulog sa sahig sa bandang gilid ni Anie, kaya umikot ako para tingnan ko kung ano iyon.
Nang wala akong makita sa gilid ng kama ay lumuhod ako para silipin ang ilalim nito dahil sigurado akong may nahulog talaga sa bandang dito at baka napunta lang iyon sa ilalim ng kama.
Maliwanag sa loob ng kwarto dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa salaming bintana na di kalayuan sa higaan namin kaya nakita ko agad ang tab ni Erin na nasa ilalim ng kamang iyon.
Medyo sa gitna iyon ng kama napunta kaya gumapang pa ako ng kaunti para lang maabot iyon at makuha.
Medyo maliit lang ang espasyo ng kama sa sahig kaya hirap akong abutin ang tab ni Erin at kailangang nakadapa talaga ako sa sahig kaya hirap akong tinggnan kong saan talaga banda ang tab ni Erin.
Kinapa-kapa ko na lang iyon at ng may makapa akong isang matigas na bagay ay mabilis ko na iyong kinuha at gumapang uli ako palabas ng kama.
Pero agad kong napansin ang dugo sa kaliwa kong kamay kaya mabilis ko iyong ipinunas sa damit ko para tingnan kong may sugat iyon.
Napasigaw na lang ako ng malakas ng makita kong mas maraming dugo ang kanan kong kamay, at imbes na tab ang hawak ko ay isa iyong putol na paa na puro dugo kaya agad ko iyong binitawan.
Halos mahimatay ako sa kakasigaw sa sobrang takot habang nangingin ang buo kong katawan habang nakatingin sa duguan kong kamay at sa putol na paa na nasa sahig.
Natigil lang ako sa pagsigaw ng maramdaman kong may yumugyog sa akin. At ng tingnan ko ito ay nakita ko si Colein na mukhang naguguluhan.
“Hannah, what happend to you?” Nag aalalang tanong sa akin ni Colein habang wala pa rin itong tigil sa pag yugyog sa akin.
Napatingin din ako kay kila Alle na nasa gilid ni Colein at Anie na mukhang nagising na rin sa sigaw ko.
Agad kong itinaas ang dalawa kong kamay para ipakita kay Colein ang mga dugo na nasa kamay ko. Pero nangunot lang lalo ang noo nito, kaya tiningnan ko rin ang kamay ko at nagulat ako ng makita na wala na iyong dugo.
