HANNAH’S POV:
Pawisan na kaming tatlo habang naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw pero hindi pa rin namin makita ang daan pabalik sa highway.
Pakiramdam ko, kanina pa kami paikot-ikot lang dito sa gitna ng kakahuyan at nakakaramdam na rin ako ng gutom.
“Colein, dala mo ba ‘yong mapa?” tanong ko dito at agad naman niya itong inilabas sa dala niyang back pack at ibinigay sa akin.
“Tama naman itong dinaraanan natin, ah.” Takang sabi ko habang tinitingnan ang mapang hawak ko. “Dapat kanina pa natin nakita ‘yong highway.”
“Ate Hannah, baka naman namamaligno na tayo.” Sabi ni Alle sa gilid ko kaya tiningnan ko ito.
“Di ba sabi nila pag naliligaw daw sa kagubatan, kailangan daw baliktarin ‘yong damit para makita ‘yong daan.” Dugtong pa nito.
“So, you believe to that superstition? Like, duh?” tanong naman ni Colein kay Alle habang nakataas ang isang kilay.
“Wala naman sigurong mawawala kong i-try natin iyon di ba?” sagot nito habang pinupunasan nito ang kanyang pawisang mukha.
“Wow! So really make hubad here in the forest for you to turn your dress?” sarkastikong tanong ni Colein kay Alle.
“Anong masama? Pare-parehas lang naman tayong babae dito e.” inosenteng sagot ni Alle.
“Huh! Seriously? You didn't even think na baka may ibang tao na mapadaan dito.” Ayaw pa ring paawat ni Colein.
“E parang tayo lang nga ang tao sa lugar na ito.” sagot ni Alle habang iniikot nito ang paningin sa paligid. “Hindi ko nga alam kong nag-eexist ba talaga itong lugar na ito sa mapa ng Pilipinas, e.”
Biglang natigilan si Colein sa sinabi ni Alle, at kahit ako ay hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng kilabot ng sabihin ni Alle na mukhang hindi nag-eexist ang lugar na ito.
May punto si Alle, simula ng magawi kami sa lugar na ito hindi na ako nakakita ng ibang tao maliban sa aming lima. At ngayon ko lang din napansin na kahit isang ibon, wala pa akong nakitang lumilipad sa himpapawid simula kanina.
“Naku, bumalik na lang muna siguro tayo sa lumang bahay. Medyo nagugutom na rin ako.” singit ko kay kila Alle at Colein habang inilalagay na ang mapa sa loob ng dala kong bag.
“I'd go along with that,” segunda ni Colein. “Mukhang nagugutom na rin itong si Alle at kung ano-ano ng pinag-sasabi.”
“Hindi noh!” protesta naman ni Alle na sumunod na rin sa amin sa paglalakad pabalik sa lumang bahay.
“Kamusta na kaya si Erin?” bigla kong natanong ng biglang pumasok sa isip ko si Erin. “Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon?”
“For sure, there’s a riot inside the house right now because of that two brat.” Balewalang sagot ni Colein.
Hindi ko alam kong bakit bigla na lang akong kinabahan ng maalala ang kambal. Sana naman ay walang masamang nangyari sa kanilang dalawa.
Pasado alas-dos na ng hapon ng makabalik kami sa lumang bahay at medyo naka-hinga naman ako kahit papaano ng mapansin kong tahimik sa loob ng bahay at walang basag na bintana at sirang pintuan.
Mukhang wala namang riot na naganap sa pagitan ng kambal habang wala kami.
Pagbukas ko ng pinto ay hinanap agad ng mata ko si Erin ng makita ko na wala ito sa sofa kong saan ito naka upo kaninang pag alis namin. Imposible naman na tumayo at naglakad na ito. E kanina lang sobra ang pamamaga ng paa nito at nanghihina pa ito dahil sa mga nawalang dugo sa kanya.