CHAPTER 12

290 13 1
                                    

HANNAH’S POV:

 

Nagkatinginan pa kami ni Alle ng biglang sumara ang pinto ng banyo ng walang dahilan. Halos ayaw ng gumana ng matino ang utak ko pero hindi ko maiwasang kabahan at alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Alle ngayon habang nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin.

Mas nadagdagan ang pag tambol ng puso ko sa aking dibdib ng marinig ko ang malakas at matinis na sigaw ni Colein mula sa labas ng banyo.

Awtomatiko akong napatakbo sa may pintuan ng banyo para buksan iyon. Mabilis kong pinihit ang door knob ng pinto pero ayaw noong pumihit para bumukas.

“Colein!” sigaw ko habang pilit pa ring binubuksan ang pinto ng banyo.

“No!!!! Stay away from me!” narinig kong sigaw ni Colein mula sa labas, kaya kinalampag ko na ang pinto ng banyo para pilit iyong mabuksan.

Narinig ko na namang tumili si Colein kasabay ng pagkalabog at pagkabasag ng mga gamit na para bang isa-isa iyong inihagis sa isang direksyon.

“Colein!” sigaw ko uli mula sa loob ng banyo habang pinupokpok ko na ang kahoy na pinto.

Sobra na akong nag aalala sa kalagayan ni Colein sa labas dahil hindi ko alam kong ano ng nangyayari sa kanya.

“Colein!” tawag ko uli ng bigla na lang tumahimik sa labas ng banyo at hindi ko na naririnig ang boses ni Colein kaya mas lalo na akong hindi mapakali.

Lumapit na rin sa akin si Alle para tulungan akong bukas ang pinto. Magkasabay namin iyong sinipa kaya tuluyan ng nasira ang pintuan.

Agad na bumungad sa akin ang magulong kwarto. Nagkalat ang mga basag ng lamp shade, mga nakatumbang upuan at mga unan. Nasa sahig na rin lahat ang dating mga nakasabit na pang dekorasyon sa dingding.

Patakbo kong nilapitan si Colein na ngayon ay nakaupo sa isang sulok malapit sa kama. Nasa magkabilang tenga ang dalawa nitong kamay at parang takot na takot.

Pagkalapit ko ay hinawakan ko ang magkabila nitong balikat at agad kong naramdaman ang sobra nitong panginginig.

 “Colein?”

Hindi pa rin ito sumagot at nanatili lang na nakayuko kaya hinawakan ko na ang mukha nito. Agad kong naramdaman na sobrang lamig ng balat nito na parang yelo. Mabilis din at parang kinakapos ang paghinga nito.

Pilit kong iniharap sa akin ang mukha nito at nakita kong nanlalaki ang dalawa nitong mata habang nanginginig ang mga labi nito.

Nang maramdaman nito ang kamay ko na nasa mukha niya ay bigla na lang itong nag-wala na parang takot na takot at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

“Easy,” sabi ko at mahigpit ko itong niyakap, pero nagpupumiglas pa rin ito sa mga braso ko. “It’s me, and I’m not going to hurt you.”

Doon lang parang natauhan si Colein at malakas na itong umiyak sa dibdib ko.

 “It’s okay, Colein.” Bulong ko. “Nandito lang ako. Huwag kang matakot, hindi kita iiwan.”

Hindi pa rin ito nagresponse, pero naramdaman kong medyo humina na ang panginging ng buong katawan nito. Hinimas ko ang likod nito para mas lalo pa siyang pakalmahin.

“Hannah, he’s here!” nanginginig na sabi ni Colein.

“Sino?”

“Si S-scrar face!”

Narinig kong napasinghap si Alle sa likuran ko ng marinig nito ang sinabi ni Colein.

“He’s real,” sabi ni Colein. “When I open my eyes, I saw him. He’s staring at me and—and our face like, it’s so magkalapit.”

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon