CHAPTER 9

312 12 0
                                    

ANIE’S POV:

 

Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang matinding lamig sa paligid, kaya pikit mata kong kinapa ang kumot sa may gilid ko para magtalukbong. Nang hindi ko iyon makapa ay kinapa ko na rin sa bandang paanan ko ito gamit ang aking paa.

Pero ng hindi ko pa rin iyon mahagilap sa higaan ay napilitan na akong magmulat ng mata. Medyo madilim pa ang paligid kaya nag adjust muna ang paningin ko bago ko makita ng klaro si Hannah na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko habang balot na balot ng kumot.

Nakatulugan ko na pala ang pag iyak ko kagabi kakaisip kay Erin.

Ipinikit ko uli ang mga mata ko ng maramdaman kong humapdi iyon dahil sa sobrang pag iyak ko kagabi. At ngayon ay halos hindi ko iyon masyadong maimulat ng mabuti dahil sa sobrang pamamaga.

Nakisabay pa ang ulo ko sa pagsakit na para bang binibiyak ito ng unti-unti. Daig ko pa tuloy ang nagkaroon ng hang-over sa pakiramdam ko ngayon.

Marahan kong minasahe ang sentido ko habang nakapikit at isa-isa uling bumalik sa akin ang mga pangyayari kahapon. Ang pagkabali ng paa ni Erin at ang pagkuha dito ni Scar face.

Nagmulat uli ako ng mata at kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng maliit na drawer na nasa gilid ng kama at tiningnan ko kung anong oras na.

Nakita ko na alas-tres pa lang pala ng madaling araw. Kaya pala medyo madilim pa ang paligid at sobrang lamig.

Ipinikit ko uli ang mata ko pero kahit anong pilit kong makatulog uli ay hindi na ako dalawin ng antok dahil bumabalik balik sa utak ko sa ang kalagayan ngayon ni Erin.

Dahan-dahan akong tumayo sa kama at kinuha ko ang puting robe na nakapatong sa silya para idoble sa suot kong sando at boyshorts bago ako pumunta sa banyo para maghilamos.

Binuksan ko ang ilaw sa loob ng banyo at humarap ako sa salamin na nasa itaas ng lababo.

Magang-maga nga ang mga mata ko at pulang pula rin ang ilong ko na hindi na nawawalan ng sipon.

Inaamin ko na iyakin ako, pero ngayon ko pa lang nakita na ganito kalala ang mukha ko dahil sa pag iyak.

Huminga ako ng malalim, pagkatapos ay ipinusod ko pataas ang mahaba kong buhok bago ko binuksan ang gripo at yumuko sa lababo para maghilamos.

Hindi pa ako tapos maghilamos ng maramdaman kong may pumihit ng door knob ng banyo na nasa gilid ko pero hindi ko iyon pinansin at hinintay ko na lang iyon bumukas dahil hindi naman iyon naka-lock. At baka si Hannah lang iyon na nagising at hindi na nahintay na makalabas ako ng banyo dahil sobra na itong naiihi.

Ganoon naman kami dati pa, para na kaming magkakapatid. Minsan nga sabay-sabay pa kami kong maligo.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paghihilamos ng bigla na namang may pumihit ng door knob, pero sa pagkakataong ito ay mabilis na iyon na para bang gusto nitong sirain ang door knob sa pamamagitan ng pagpihit nito kaya napatigil na ako ng paghihilamos at tiningnan ko ang pinto na hindi pa rin bumubukas.

 “Bukas ‘yan!” sigaw ko pa ng makita kong hindi naman naka lock ang pinto ng banyo at biglang nahinto ang pagpihit nito ng door knob.

Katahimikan ang sumunod na pangyayari. Pinunasan ko na ang mukha ko at hinihintay ko na buksan na ni Hannah ang pinto pero hindi na naulit ang pagpihit nito sa door knob, kaya ako na ang nagbukas noon.

Napahinto ako sa pagpupunas ng mukha ko ng makita kong walang tao sa labas ng pinto ng banyo ng buksan ko iyon, kaya tuluyan na akong lumabas ng banyo para hanapin kong asan na si Hannah. Baka nangapit kwarto pa ito para lang makigamit ng banyo.

VAGUETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon