Hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-recover sa mga nalaman ko mula kay Nero. Una, ang aksidente na nangyari sa amin na ikinamatay ng mga kaibigan ko. Pangalawa, ang katauhan nito bilang isang shaman. At ang pangatlo, ang pagka-coma ng katawan ko.
Nakaramdam ako ng kakaibang takot ng malaman kong isa na lang akong kaluluwa. Pero ng sabihin ni Nero na may pag-asa pa akong makabalik sa katawan ko, bigla akong naguluhan. Ngayong wala na akong babalikang mga kaibigan pag gising ko, parang nagdadalawang isip na akong bumalik pa sa katawan ko. Natatakot akong harapin uli ang buhay ng mag-isa. Sana hindi na lang ako iniligtas ni Nero. Sana namatay na lang din ako kasama ng mga kaibigan ko. Sana hindi na ako naguguluhan ngayon.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tumayo sa pagkaka-upo. Lumabas ako ng bahay at hinanap si Nero.
Nakita ko ito na nakatayo sa likod ng bahay. Nakatalikod ito sa akin kaya malaya ko itong natingnan.
Maganda ang pagkakatindig nito at malapad ang balikat. Sadyang sa unang tingin ay nakakatakot lang talaga ang aura nito dahil lagi itong seryoso at tahimik, idagdag pa ang malaking bangas nito sa mukha. Pero pag nakasama mo naman ito at naka-usap ng matagal, doon mo lang malalaman na malayo pala ang ugali nito sa panlabas niyang katauhan.
Bigla itong lumingon ng maramdaman niya ata ang presensiya ko. Humugot ako ng isang malalim na hininga at lumapit sa kinatatayuan nito ng nakayuko. Tumikhim ako para alisin ang basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sinulyapan ko ito, seryoso na naman itong nakatingin ng diretso sa mga malalaking puno sa harapan namin.
Hindi ko na naman mabasa kong anong iniisip nito dahil walang mababakas na emosyon sa mukha nito.
"Matagal mo na bang ginagawa ito?" Tanong ko kay Nero.
Lumingon naman ito sa akin. "Ang alin?"
"Ang tumulong sa mga katulad ko," sabi ko.
"Medyo," sagot nito. "Pero ito ang unang pagkakataon na gumawa ako ng soul retrieval. Kadalasan kasi ang ginagawa ko lang ay ang pag-guide sa mga namatay na para makapunta sa other world tulad ng ginawa ko sa mga kaibigan mo."
"Anong pakiramdam ng maging isang shaman?" Tanong ko. "Masaya ba?"
"Bakit mo natanong?"
"Gusto ko lang malaman." Kibit-balikat kong sabi. "Di ba masaya naman magkaroon ng power? Nakakapunta ka sa past at present, for sure kaya mo ring pumunta at alamin 'yong future mo. At marami ka ring naliligtas na tao."
Mapakla itong ngumiti at tumingin uli sa harapan.
"Mahirap ang naiiba, Hannah," sabi nito. "Lagi na lang akong hindi maintindihan ng mga kalaro ko. Pag tinuturo ko sa kanila 'yong mga nakikita ko sa paligid na hindi nila makita, sinasabihan nila akong baliw, weird. Kadalasan kinatatakutan. Kung hindi pinagtatabuyan, nilalayuan naman. Pakiramdam ko, nasa maling planeta ako, nasa maling panahon. Walang nakaka-intindi sa akin. Walang gustong tumulong. Tuwing nagkakasakit ako, hindi iyon kayang pagalingin ng mga doctor kaya natoto akong pagalingin ang sarili ko. Sa pagdaan ng panahon, natoto akong tanggapin kung ano talaga ako, natoto akong mag-isa at sarilinin ang lahat."
nanatili lang akong nakatingin sa gilid ni Nero habang nakikinig sa kwento nito.
"Ang pagiging shaman ay isang obligasyon na hindi mo pwedeng tanggihan. Pag napili ka ng isang guardian spirit, hindi mo na iyon mapipigilan."
"Bakit?" tanong ko. "Anong mangyayari sa'yo pag tinanggihan mo?"
"Kung hindi ka magkakasakit ng malala hanggang sa mamatay ko, masisiraan ka ng ulo at hindi ka babalik sa pagiging normal hanggat hindi mo tinatanggap ang pagiging shaman. Mahirap maging shaman, Hannah. Lalo na sa lugar na hindi kinikilala ang mga tulad namin. Daig pa namin ang mga ligaw na kaluluwa. Nakikihalubi sa mga tao pero pilit na itinatago ang kakayahan namin. Pilit na nagpapaka-normal kahit na alam namin sa sarili namin na hindi kami normal."
