Jeric’s POV
Hello readers actually eto ang first ever POV ko kaya let me just first introduce myself. I’m Jeric Saavedra isang Campus Crush and at the same time athlete din ako sa school namen lalu na ng soccer. 2nd year college student din ako sa university nina Tyrone.. Oh well, nagtataka siguro kayo kung bakit alam kong sa kanila ang university? Let’s just say na magpinsan kame. Magkapatid kase ang Daddy nya at ang mommy ko kaya 1st cousin ko sya. Matatag ang samahan namen ni Tyrone tinuturing nya kong kapatid kesa kay Lawrence, his half brother. Pero nagbago ang lahat ng yun ng pakielam nya si Mica. Matagal ko nang hinahangaan si Mica pero secretly nga lang. Pati si Tyrone di nya alam. E kase naman kahit na marami akong assets sa sarili ko kapag ako tinamaan ng todo e tumitiklop pa din kaya ayun nagmistulang lihim lang ang pagmamahal ko para sa kanya...
Sabihin na nating stalker nya ko kase bawat galaw nya, mga ginagawa nya, problema nya o kung ano pa mang mga bagay na patungkol sa kanya e alam ko. Pati nga ang kasunduan nila ni Kathleen Fuentebel e, ang saktan ang pinsan ko. Pero tingin ko tama lang yun kase sa puntong to nakikita kong maganda ang kahahantungan ng ginagawa ni Kath. Nararamdaman ko kaseng unti unting bumabalik si Tyrone kung sino sya date, yung tipong mapagmahal at di marunong manakit ng damdamin ng iba...
I already gave the 17 roses to her. Isa nalang at di ko na sasayangin ang isa pang rose na to. I’ll make sure na makikilala na nya ko at balak ko yung gawin sa mismong birth day nya. Pero panu naman?? E di naman ako invited e. Kaya ang tanging solusyon lang na naisip ko e ang kuntsabahin si Leen na kanyang bestfriend. Ipapaliwanag ko ang lahat sa kanya para naman magdesisyun syang tulungan ako...
Dismissal na kaya inabangan ko si Kathleen sa may hallway alam ko kaseng dito sya dadaan. XDXD Oi wag nyong isipin na pati sya inistalk ko ah. E kase naman lagi nya kasama si Mica kaya ayun pati life nya alam ko na... Makalipas lang ang ilang minuto e natanaw ko na sya.. Lalagpasan na sana nya ko ng bigla ko sya tawagin..
“Ms. Fuentebel” Nakita ko namang gulat sya...
“Oww! Jeric Saavedra.. The Ultimate Athlete Crush..”
“Kilala mo pala ko??”
“Naman! Nanonood ako ng mga laban sa sports ng university e. Ang galing mo nga e!!!”
“Thanks for that...” Teka nga naligaw na ata ako. Di naman yung tungkol sa sports or whatever dapat ko sabihin e..
“Kathleen I need to talk to you. It’s about Mica. Sana pumayag ka..”
BINABASA MO ANG
CASANOVA'S KARMA
Novela JuvenilPast or Present? Present or Past? Ang gulo!! >.< ©2013 -- All Rights Reserved. A story made by casanovahater ♫♪♫ ♫♪♫